makabagong pag-aaral (talumpati)

in #pilipinas5 years ago

IMG_20190213_103719.jpg

kumusta ang panahon ngayong makabago na? Dati ang noodles lang ang "instant" pero ngayon kahit pag-aaral "instant" na rin. Sino rin ba kasing ayaw sa madaling pamamaraan. Hindi katulad dati kapag may gusto kang malaman na panibagong kaalaman ang hirap hanapin. Samantalang ngayon gumamit ka lang ng computer at cellphone pwede ka ng maghanap sa pamamagitan ng "internet." Nakakatuwa diba? Ang mga mahirap na bagay hindi na ganoon kahirap dahil sa makabagong gamit sa pag-aaral.

Paano ko ba malilimutan ang mga gabi na ang aking Ina ay guro pa. Bata pa ako noon at tanging lampara lang ang ilaw namin noon. Oo, bata pa ako pero hindi ko makakalimutan ang hirap na nararanasan ni Inay. Naalala ko gumagawa si Inay ng lesson plan, nagbibilang sa mga tamang sagot na ginawa nyang pasulit. Hindi katulad ngayon ang bahay namin kahit gabi akala mo umaga na. Talagang nakakatuwa dahil tayo'y makabago na. Noon si Inay ang daming librong dala pagpasok sa skwelahan. Pero ngayon nakikita ko ang mga guro isang libro nalang dala kasi andoon na lahat. Ay hindi pala ito libro pero pwedeng ihalintulad ang libro dito. Ang laptop kasi andoon na lahat, gumawa ng lesson plan, gumawa ng report. Wala na iyong dating chalk na isulat sa pisara para magturo ang guro. Bakit pa kasi magsulat pa sa pisara kung may projector naman na pwedeng ituro ang gustong ituro ng guro.

Lahat ng mga ganito dahil ito sa makabagong pag-aaral ngayon. Ang bilis at ang dali na ng pag-aaral dahil dito. Ang lagi lang tandaan na ang magandang nangyayari ay huwag abusohin. Masama din kasin ang epekto kapag sobra. Imbes na mag-aral ay naglalaro na lang at nanonood ng hindi maganda. Tandaan hindi lahat ng nakikita sa internet ay maganda ang kahihinatnan sa pag-aaral. Kaya panatalihin ang disiplinahin ang sarili at huwag umasa lahat sa makabago. Makabago man o makaluma walang naabot kapag walang pagsisikap..

salamat sa pagbasa

Sort:  

Hi, @mrnightmare89!

You just got a 0.03% upvote from SteemPlus!
To get higher upvotes, earn more SteemPlus Points (SPP). On your Steemit wallet, check your SPP balance and click on "How to earn SPP?" to find out all the ways to earn.
If you're not using SteemPlus yet, please check our last posts in here to see the many ways in which SteemPlus can improve your Steem experience on Steemit and Busy.

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 63318.34
ETH 3108.17
USDT 1.00
SBD 3.97