Extra

in #pilipinas6 years ago

Extra lamang ako sa aking sariling kwento
Kwento na siyang isinulat ko para sayo
Kwento na kung saan ang bida ay ikaw at ako naman ang extra
Kwento na dapat ako ang bida at ikaw ang babaeng bubuo sa buhay nya.

Ngunit kahit na ako ang may akda
Ay di ko kayang baguhin ang agos ng tadhana
Dahil itinakda ka nya sa iba At dumating lamang ako sa buhay mo upang maging extra
Sa kwentong aking isinulat na dapat sa ating dalawa

Ngunit andyan si tadhana
Binago ang aking karapatan sa aking sariling akda Dumating ang siyang naisip nya na nararapat para sayo
Na papalit sa pwesto ko
at mag papakita sa akin Na extra lamang ako.

Na ako pa pala'y tulay sa inyong dalawa
Na makita ko sa aking dalawang mata
Na iba ang saya na iyong nadarama
Pag kasama mo sya na siyang ipanamukha ng tadhana sa aking mukha
Na sa kanya ka lang sasaya
Na isa lamang akong extra Sa kwento ninyong dalawa Na kung saan ako ang may akda.

ff.jpg

89.png

Sort:  

Bagamat ako'y nagnosebleed, napakaganda :)

Salamat sis :)

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 62379.78
ETH 3034.69
USDT 1.00
SBD 3.78