Pasukan, Panahon Ng Tag-Ulan

in #pilipinas6 years ago

Nag-umpisa na ang araw ng pasukan. Marami na namang mga estudyante, guro at iba pang pumupunta sa paaralan ang naglipana. Dumagdag na naman ang mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan. Maging ang mga pribadong sasakyan ay dumami. Nagsisiksikan na naman ang mga tao sa daanan. Sigurado ay magkakaroon na naman ng mga anumalya. At panigurado din na makikisabay dito ang pabigla biglang buhos ng ulan. Dahil kasabay ng pagbukas ng klase ay ang pagsarado ng mga ulap, pagkulimlim at pagbagsak ng ulan. Hindi ba't nakakapagtaka na lagi na lamang ganito ang nangyayari? Uulan tuwing pasukan? Nasasakto lamang siguro talaga ito sa buwan ng taon. Dahil tuwing hunyo ay nagiging malamig at mabasa ang panahon. Nagpapasukan ang mga estudyante at guro at nagpapasukan din ang mga bagyo. Tila ba nakikisabay din sa pag aaral ang ulan. Pahirapan sa paglalakad at pagsakay lalo na kung malakas ang ulan. Kung ito pa ay maging bagyo maari pang magdulot ng pagbaha sa mga kalsada. Kaya magiging mabenta na naman sa mga pamilihan ang mga payong, kapote at botas. Minsan pa ay pwedeng makansela ang mga klase dahil sa malakas na hangin at ulan at bagyo. Payo ko lamang sa inyo ay ibayong pag-iingat at mag-aral ng mabuti.
ff.jpg

89.png

Sort:  

Oo nga. Uso na din ang sipon at ubo sa mga panahong ito kaya dapat, ingatan din natin ang ating health.

Para sa mga anak, kakayanin lahat, sis!

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 63869.25
ETH 3055.04
USDT 1.00
SBD 3.88