Tula Para sa aming Nanay

in #pilipinas6 years ago

Ito ang tulang handog ko sa aming nanay, Josefina Esguerra (Mama Josie), mula sa kanyang ika 60 na kaarawan ngayong araw na ito May 7. Mabuhay po kayo nay. Mahal na mahal po namin kayo.

received_2017129198560660.jpeg

Para sa espesyal na araw na ito
Nais kong malaman ninyo inay
Ika’y mahal na mahal ko
Maraming salamat nanay kong mahal

Sa walang tumbas na pagmamahal
Sa walang humpay na pag aaruga sa iyong mga minamahal
Ikaw ay dakila aking nanay
Iyong mga ngiti, at haplos ng iyong mga kamay
ang siyang nagsisilbing gabay ng ating tahanan

Sa inyong pag tanda, handog ko ang pagaalaga at pagmamahal tulad ng inyong ginawa
noong ako’y musmos pa
Nanay, sa espesyal na araw na ito

Nais kong sorpresahin kayo ng mga masasayang ala ala na mananatili sa kaibuturan ng inyong puso
Wagas ninyong pagmamahal, aming nanay

Ito ay nakaukit sa aming mga puso
Kailanman ito ay hindi magbabago, Pangako
Maraming salamat sa poong maykapal
Dahil sa maraming nanay na katulad ninyo.

MALIGAYANG KAARAWAN Ma!

received_2017126951894218.jpeg

Sort:  

You just received a Tier 0 upvote! Looking for bigger rewards? Click here and learn how to get them or visit us on Discord

Happy birthday! Mukhang malakas pa si nanay a at si tatay ba yan? Praying for more health and more long quality years of life.

thank you so much po for the wishes, ganon din po sainyo.

happy birthday po kay nanay! :)

thank you po

Happy Birthday Po, Nanay!

thank you po

Maligayang kaarawan sa iyong magulang... Ingatan nawa...

maraming salamat po

made me call my nanay after reading it...

keep it up po.... ;)

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 63968.82
ETH 3136.80
USDT 1.00
SBD 4.28