Tayo'y Magpasalamat Sa Kanya (Let's Give Him Thanks) ๐Ÿ˜€๐Ÿ’–

in #pilipinas โ€ข 6 years ago (edited)

Magandang buhay po sa lahat. ๐Ÿ˜€๐Ÿ’–

image

Sa bawat araw na ako ay humihinga lubos ang aking pasasalamat sa Poong Maykapal sa buhay na meron ako. Hindi po perpekto ang buhay ko. Hindi rin po kasing ayos ng buhay sa iba. Magkagayun pa man, hindi ko po makakaligtaan ang magpasalamat sa Kanya. Dahil sa Kanya nakakayaan kong lampasan ang mga problemang dumating at dumarating sa buhay ko.



Inaamin ko sa sarili ko na minsan pinanghihinaan na ako ng loob. Dahil sa Kanya lumalakas loob ko na harapin ang kahit anong pagsubok na aking hinaharap. Siguro po kung wala akong tiwala sa Kanya at kung naging mahina ako baka matagal na akong nagpatiwakal. Kaya lubos ang aking pasasalamat sa Kanya. Dahil hindi Niya ako pinabayaan sa lahat ng oras.



image

Minsan po kung akala ko na sobra-sobra ang mga pagsubok na dinaraanan ko, naitatanong ko sa Kanya, kakayanin ko pa ba? Hindi ko naman maikakaila na napapagod rin ako. Yung akala ko na sobrang bigat ng dala-dala kong problema. Dahil sa bawat araw na ako ay naglalakbay sa mundong ito namumulat ang aking mga mata at napagtatanto ko na napakapalad ko pala sa buhay na meron ako.



Imbes na problemahin ko ang mga problema ko, Ipagpasa-Diyos ko na lamang. Dahil Siya ang lubos na nakakaalam sa aking hinaharap. At dapat po na pagtibayin ko ang pagtitiwala ko sa Kanya. Dahil Siya ang nagbigay ng buhay na meron ako.



Isa po itong paalala sa mga taong mabigat ang pinagdaraanan ngayon saka sa mga taong nawawalan na ng pag-asa sa buhay. Patuloy lang po tayo umasa at magpasalamat sa Kanya. Hindi Niya po tayo pababayaan. Magiging maayos din ang lahat.



Tanging dasal ko ay, Nawa'y maging matibay tayo sa lahat ng mga suliranin sa ating buhay. Sapagkat ang suliranin ay kaakibat sa bawat buhay ng tao. Lahat tayo ay may kanya-kanyang hamon sa buhay.


Laban lang mga Kapatid! Buhay is Life! ๐Ÿ˜€๐Ÿ’–

I am very gratefu for the life I have. ๐Ÿ˜˜๐Ÿ˜˜๐Ÿ˜˜๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€๐Ÿ’–๐Ÿ’–๐Ÿ’–

Be grateful in every little/simple things and you'll find happiness you ever wanted! ๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€

Everyday is worth to be grateful of!

How about you? What's your #gratefulvibes story for today? Join the #gratefulvibes community challenge of @paradise-found as it is extended forever. You can share yours and show to Steemit world how grateful you are. Feel free to comment and share. See you around! ๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€๐Ÿ’–๐Ÿ’–๐Ÿ’–

I am inviting everyone to join us at,
Gratefulvibes Community Discord Server
Steemgigs Discord Server
Steemitserye and Steemitdora Full Force

Let the #teardrops of gratefulvibes begins! ๐Ÿ˜€๐Ÿ’–

P.S. Please support my witness @surpassinggoogle who inspire me continue what I started. To vote visit,
https://steemit.com/~witnesses
Type "steemgigs" as a witness in the search box then vote as shown below:

image

Yours truly,

@shikika with much love ๐Ÿ’–๐Ÿ’–๐Ÿ’–๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€

Keep steeming! ๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€

image

image

U5duDsPLWVkRfhiP758pZa8Qhn95oFE.gif

Sort: ย 

I love it... God.bless my friend

Thank you @sweetcnw ๐Ÿ˜€ God bless you,too.

Amen pu sa mga sinabi mu sis @shikika Tama pu kayo, Laban lang mga Kapatid! Buhay is Life!

Amen po @lingling-ph. Laban lang po ng laban habang may buhay. Buhay is Life! ๐Ÿ˜€
Salamat sa pagdalaw @lingling-ph. Ikumusta mo na lang ako sa mga ka tropa saka kay toto at junjun. ๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 64742.01
ETH 3172.49
USDT 1.00
SBD 4.10