Isapuso at Isagawa sa Lahat ng Pagkakataon :-)❤️

in #pilipinas6 years ago (edited)

Isang maulang Lunes sa inyong lahat, mga minamahal kong kapamilya, kapuso, kapatid, kabarkada, ka gc, ka discord, ka steemit at kaibigan. Sa loob ng halos tatlong buwan ko sa aking bagong trabaho, marami akong natutunan at patuloy akong natututo lalo na sa paglilingkod at pagbibigay ng serbisyong totoo na mula sa puso, sa mga bagong bayani ng ating bansa, ang mga OFWs.

Hindi naman lingid sa atin ang mga "katiwalian" sa gobyerno, talamak lalo na sa ibang sektor (mapalehislatura, o mapakongreso, senado, lahat na walang pinipili) mababa man o mataas na antas, sakit na ito ng lipunan mula pa nong kapanahunan pa ng mga kanunununuan ng ating mga ninuno. Hindi nga lang sing wagas ngayon dahil noon may takot pa ang mga nasa posisyon. Sa paglipas ng mga taon, palala ito ng palala.

Masaya ako na sa panahon natin ngayon marami ang nahuli at napakulong at patuloy na dumadami ang nahuhubaran ng katotohanan. Patuloy ang paglaganap ng hustisya at "change is coming" talaga ang peg.

Tuwing Lunes bago kami magsimulang magtrabaho ay may Flag Ceremony" kami at mga Panunumpa (sa katapatan sa Watawat at Kawani ng gobyerno). Gusto kong ibahagi sa inyong lahat ang bawat katagang nilalaman ng "Panunumpa ng Kawani ng Gobyerno" Dito ako natutong gumamit ng aking opisyal na oras at ilaan lamang sa opisyal na pamamaraan. Alam niyo naman siguro na ang mesa ko ay "Public Assistance and Complaints Desk" at hindi po biro ang umupo doon maghapon. Nagpapasalamat ako sa ating Diyos dahil lagi Niya akong pinapaalalahanan ng mga kataga sa panunumpa.

Para sa akin hindi sapat na kabisado o memoryado (plakado) mo ang bawat katagang binibitawan at sinasambit kada Lunes ng umaga. Ang mahalaga ay dapat isapuso at isagawa sa lahat ng pagkakataon at dapat walang pinipili o kinikilingan.

PANUNUMPA NG KAWANI NG GOBYERNO

"Ako'y kawani ng gobyerno
Tungkulin ko ang maglingkod ng tapat at mahusay,
Dahil dito, Ako'y papasok nang maaga
at magtratrabaho nang lampas sa takdang oras kung kinakailangan;
Magsisilbi ako ng magalang at mabilis sa lahat ng nangangailangan;
Pangangalagaan ko ang mga gamit, kasangkapan
at iba pang pag-aari ng pamahalaan;
Magiging pantay at makatarungan ang pakikitungo ko
Sa mga lumalapit sa aming tanggapan
Magsasalita ako laban sa katiwalian at pagsasamantala;
Hindi ko gagamitin ang aking panunungkulan
Sa sarili kong kapakanan
Hindi ako hihingi o tatanggap ng suhol
Sisikapin kong madagdagan ang aking talino at kakayahan
Upang ang antas ng paglilingkod sa bayan ay patuloy na maitaas
Sapagkat ako'y kawani ng gobyerno
At tungkulin ko ang maglingkod nang tapat at mahusay sa bayan ko
At sa panahong ito; Ako at ang aking kapwa kawani
Ay kailangan tungo sa isang maunlad,
Masagana at mapayapang Pilipinas,
Sa harap ninyong lahat
Ako'y taos-pusong nanunumpa."

Bawat kawani ng gobyerno na may pusong tapat sa panunungkulan, lahat ng kataga dito ay isinasagawa ng walang halong pag-iimbot at pansariling kapakanan. Isinasagawa ito ng buong puso, kusang-loob at walang pag-aalinlangan, walang pinipili at higit sa lahat isaisip lagi ang kapakanan ng kapwa, hindi ang sarili. :-)

Mahirap ba? Hindi siya mahirap...Napakaimposible! Minsan ako'y hindi nakapagpigil at kinuha ang aking pangalan. Natakot ako bigla ngunit inisip ko ang buong pangyayari at napagtanto ko na wala akong maling ginawa at walang basehan ang mga taong yon (mga kumuha sa pangalan ko para ireklamo ako sa aming hotline) para ako sampahan ng reklamo. Ngunit natakot ako syempre kabago-bago ko pa lang tapos may magsasampa na ng complaint laban sa akin....Kaya pag dumadating sa puntong pasensya ko'y mapipigtas na sa kakulitan at pag ka arogante ng mga OFWs (hindi ko po linalahat), humihinga ako ng malalim at sinasambit ko sa isip ko ang mga katagang nakapaloob sa Panunumpa ng Kawani ng Gobyerno. :-)

Muli magandang gabi po. Ako po si @shirleynpenalosa, a.k.a. @sashley a recipient of God's love, mercy and grace. ❤️

Have a blessed and rainy month of June 2018 everyone :-)❤️

I am forever grateful to God every day of my life for giving me everything that I need and praise Him all the more for not giving me everything I want. To God be all the honor, praise and glory ❤️ :-)

@surpassinggoogle is such a generous person and has a very big heart for all of us here. Please support him as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.


(Photo credits: from sir @surpassinggoogle's post footer)

If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

@paradise-found is a wonderful person, a very humble and generous encourager, let us also support him by voting and typing in "gratefulvibes" at the search box


(Photo credits: mam @sunnylife)

Other good witnesses to recommend:

@yabapmatt
@teamsteem
@jerrybanfield
@hr1
@acidyo
@blocktrades
@curie
@beanz
@rcarter.witness
@reggaemuffin
@arcange

They need our support

Follow us on #gratefulvibes discord channel (positive and uplifting attitude)
https://discord.gg/7bvvJG


(credits to @bloghound)


(credits to @jhunbaniqued)

Sort:  

Mahirap den ang trabaho mo sis.
madaming pasensya at baon mo at sa mga reklamo naming mga ofw hehe
ika wpala dapat puntahan namin dyan hehehe dyok
ganda ng pwesto mo sis. bagay sayo pang office:)

Mabuhay ka sa iyong serbisyo! Mabuhay!!

oo sis mahirap pero very rewarding din basta sinisiguro ko na hindi ko inaabsorb mga problems nila iniiwan ko sa desk ko lahat at the end of the day at mabigyan ko sila ng sapat na payo at mairefer sa tamang ahensya lalo na un mga nagcocomplain, kc pag uwi ko sa bahay, mga anak ko naman ang bibigyan ko ng serbisyong ina na walang katumbas :-) <3
oo sis punta kayo ha visit kayo pag may time kayo hehehe alam ko naman wala kang reklamo masaya ka jan sa work mo sis basta pag work/employment related idulog nyo yan sa ating embahada jan at sa lahat sa aming tanggapan sis :-) God bless you and all the OFWs bagong bayani ng ating bayan :-)

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 63617.36
ETH 3070.79
USDT 1.00
SBD 3.82