Ang Mga Pinto Sa Ating Buhay

in #pilipinas6 years ago

Ang pinto sa ating buhay at napaka mahiwaga
Bawat isa sa atin at may kanya kanyang pintong tinatahak at pinasukan
Ang iba ay nakakulong sa loob at takot lumabas at makibaka
Ang iba naman ay kuntento na sa kanyang kinalalagyan
Ang iba naman ay naliligaw pa din at hindi alam ang pipiliin.

Mahirap mag desisyon sa buhay minsan
Hindi madali ang pumili kung ano ang tamang direksyon
Minsan akala mo ay iyon na nga, pero yon pala ay maling pinto ang pinasukan
Sarado at walang liwanag na patutunguhan.

May mga pintong mapag linlang, ginto sa labas at makinang
May mga pinto naman na simple lang at puno ng pag asa at may kinabukasang naghihintay
Hindi pa huli kung sakaling ikaw ay naligaw
Dahil hindi lahat ay makikita sa isang pintuan lamang
Kailangan mong subukan at buksan ang iyong kaisipan
At umaasa ka na iyong mapagtatagumpayan ang mga pagsubok sa buhay

Wala namang masama kung lahat ay iyong susubukan
At kung nagawa mo na lahat at wala pa ding kasagutan
Iyan ay mga pagsubok lang at bahagi ng ating buhay
Sabi nga nila kung maraming pinto ang nagsara sa iyo
Huwag mong kalimutan na may bintana pa naman.

Keep shining everyone

Gratefulvibes Discord https://discord.gg/DnpSuVe
FlightGear Discord https://discord.gg/hdDwXeu
Steemitserye and Steemidora full force https://discord.gg/w8XfQCj
Steemgigs Discord https://discord.gg/4UyAJgB

Please continue to support @surpassinggoogle
If you haven't vote your witness yet, vote Terry now!
Write @steemgigs >>>https://steemit.com/~witnesses

Yours truly,
The village girl @sunnylife in the Steemian Forest

Sort:  

nakakatuwang isipin na may mga taong tulad nyo na nagtyatyagang sumulat gamit ang sarili nting wika... nakakataba ng puso na nakikita q na ang mga bagay na pinaglalaban q d2 sa steemit... 4 na akda na ang nacurie gamit ang tagalog bagamat maliit napapansin na tayo kea pagbutihin nio pa ang lahat ng inyong ginagawa...

salamat kapatid:) at sana ay nagustuhan mo.
Pinoy tayo sa puso at diwa.
Mabuhay ka at ipagpatuloy mo lang iyan at cguradong ikaw ay magtatagumpay!
(naks napa drama tuloy ako bro hehe)

ay wow... muntik nako mapakanta ng akoy isang pinoy,,haha any way,,, keep it up... lahat ginagawa nnmin pra suportahan ang pinoy at sana balang araw lahat maging ok na

tama sis @sunnylife our master mind :-) pero kadalasan sa sobrang daming pinto na nasubukang pasukin at wala pa rin kaliwanagan, minsan kahit sarado na e pilit binubuksan gang pati ulo'y iuntog na para lang mabuksan. Yun bang akala nya e mas matigas ang bungo nya keysa sa konkretong pintuan. Yong iba naman madali din magsawa sa mga pintong hindi tlga para sa kanila kaya naman kadalasan sa bintana na dumadaan bwhahahahah wrong entry lang ang peg :-D

heheheh panalo sa comment talaga
tama yan sis minsan over d bakod den
kaya nakakagat ng aso ayayy hehehe
thanks sis

Hanep ang galing ng mensahe ng tula mo... 👍👍👍👍

yayy salamat sista:)
gandang gabi/umaga sayo:)

Tama ate. Di masamang sumubok lang ng sumubok kasi parte talaga yun para makita mo yung mas magandang pinto na nakalaan para sa bawatbisa. :) Thanks for this!

yess tamaa ang ibat ibat pinto ay may aral sa buhay natin
may nakalaan na pinto gusto ko yan:)

salamat kuya hehe

Ang galing ng pagkakagawa ng tula. At ang ganda ng mensahe nito. Anumang pagsubok sa buhay ay mapapagtagumpayan, bastat hindi susuko at mawawalan ng tiwala sa sarili.

tama kapatid kaya goorabels!

Aba aba! Gusto ko ang likha mong to ate. Maganda din sigurong may akibat na label na nakasulat sa pinto o kahit maliit na papel na may instructions kasi ako minsan o kaya naman -- parati akong at lost.
Maganda ang pagkakasulat.

salamat salamat at nagustuhan mo hehe
minsan ang mga pinto ay walang label para isang sorpresa
kz pag may label baka hindi mo subukan kung nde mo mo gusto ang nakasulat:)

thnx for dropping by

What a gorgeous shot. I love, love, love it.
Reminds me so much of Poland and my grandma's place.

thanks so much Jo
I wanna see the beauty of Poland someday:)
Glad that I can share something like this to you today.

have alovely day xoxo

Ang ganda po ng inyong inspirasyonal na tula, ate @sunnylife. Yun mga larawan mas pangdagdag *magic* pa sa iyong magandang mensahe. Kaya naman po naitampok po namin ito sa aming [arawang edisyon](https://steemit.com/pilipinas/@tagalogtrail/ika-animnapu-t-isang-edisyon-ng-tagalog-trail) ng @tagalogtrail.

salamat @tagalogtrail kumusta ka na?
sana ay ayos ka lang.

Ang ganda rin ng pagkakakuha ng mga larawan sis pero walang mas gaganda pa sa mensahe ng iyong tula ❤
Pero ewan ko ba kung ba't ako natawa sa dalawang lines na ito hahahaha

Sabi nga nila kung maraming pinto ang nagsara sa iyo
Huwag mong kalimutan na may bintana pa naman

Naka relate ako ng literal, nagawa ko ng pumasok kasi sa bahay ng kaklase ko gamit ang bintana dahil wala siyang susi.. Buti na lang pala payat ako kaya't nagkasya Nyahahaha

Miss you... 😊

hahaha ako den sis nde ko din alam kung ano ang ilalagay ko
minsan may advantage den tlga kapag payat nakaka akyat bahay tayo haha
salamat sis. miss you too!

Nakakamangha naman sis galing ng mensahe👏😍

Sabi nga nila kung maraming pinto ang nagsara sa iyo
Huwag mong kalimutan na may bintana pa naman.

hehe salamat sis
wag kalimutan may bintana pa sis
pag nde naman ladder na lang hehehe

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64320.07
ETH 3154.23
USDT 1.00
SBD 4.34