Ika Apatnapu't Siyam na Edisyon ng Tagalog Trail

in #pilipinas6 years ago (edited)



Kamusta mga Katropa!

Sana lahat ay nasa mabuting kalagayan dito sa Steemit.
Ito po si Toto ang nag-uulat ngayon para sa arawang edisyon ng @tagalograil.

Para sa araw na ito narito ang aming mga naibigang akda sa wikang Tagalog.

Literaturang-Filipino: Sakim na Pagmamahal

Mahal mo pero sinusuntok mo? Okay lang na masaktan ka dahil mahal mo

image.jpeg

Itong akda ay isang piyesa na ginamit ni @zam398 para sa patimpalak sa @steemph.cebu sa temang pag-ibig.Ang kwentong nabanggit ay kwento ng kaniyang kaibigan na kung saan humihingi siya ng payo kung tama ba na hiwalayan na ang kasintahan. Sympre dahil nga pro tayo sa pagmamahal at less violence. HIWALAYAN na agad ang sagot ko. (Kayo sa tingin nyo? Maari nyong basahin ang akda niya para magbigay ng komento)



Ang aking wonder nanay

"kung naghihirap ka ngayon huwag kang sumuko o mawalan ng pag-asa dahil hindi habang buhay maghihirap ka basta gumawa ka lang ng paraan para makaahon ka"

Untitled.png

Isa ito sa mga pinaka heart-warming na kwentong nabasa ko andaming napulot na aral hindi lamang kay ate @rodylina kungdi pati narin sa kaniyang Inay. Sobrang sarap magbasa tapos di mo namamalayan yung luha natulo na sa mata mo. Ala MMK yung palabas last Saturday.



Nang Isilang Ka Sa Mundong Ito - Mabuhay Ang Ating Mga Ina Sa Buhay

Hindi madali ang maging isang ina, maging magulang na magpalaki ng anak. Isang debosyon, walang humpay na pagmamahal hanggang sa huling hininga.

Ang akdang ito ay iniaalay ni @sunnylife para sa kaniyang ina at sa kaniyang Mamo(Biyenan) aminin. Dito niya inilahad ang mga salitang pasasalamat at munting dalangin narin para sa dalawa.

Mga Maiksing Anunsyo

May bagong patimpalak ulit ang @steemph.cebu ngayon ang kanilang tema ay tungkol sa #karangalan parehas parin ang mga alituntunin at ang premyo ay malaki parin kaya lahat ay iniimbitahang sumali para sa karangalan.

  • 1st - Makatatanggap ng 5 SBD
  • 2nd - Makatatanggap ng 3 SBD
  • 3rd - Makatatanggap ng 2 SBD
  • 4th - Makatatanggap ng 1 SBD
  • 5th - Makatatanggap ng 1 SBD

Maari mong i click ang link na ito upang malaman ang buong detalye.

Aming binabati si pinunong @tpkidkai para sa pagwawagi sa unang patimpalak ni @jassennessaj para sa kanyang "mema post daw" na tula.

Para malaman mo ang ibang nagwagi maari mong i click ang link na ito


Ayan po ang aming mga napili ngayong araw na ito. Muli isang mapagpalang araw po sa ating lahat.


Kung nais nyo pong makigulo sa aming munting tambayan ay malaya po namin kayong ini-imbitahan na makigulo. Walang masyadong mga plano ang mga nandun sa buhay panay sulat at kulitan lang. narito po ang discord link Discord

Sort:  

Maraming salamat @tagalogtrail sa pagbabasa ng aking akda 😍

Nako ate @rodylina ang ganda kaya nung akda kaya marapat na mabasa.
Nakalimutan ko pala i resteem kahapon hahaha. Ayan resteemed na ngayon.

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 62432.37
ETH 3003.22
USDT 1.00
SBD 3.78