Ika Apatnapu't Anim na Edisyon ng Tagalog Trail

in #pilipinas6 years ago



Kamusta mga Katropa!

Sana lahat ay nasa mabuting kalagayan dito sa Steemit.
Ito po si Toto ang nag-uulat ngayon para sa arawang edisyon ng @tagalograil.

Para sa araw na ito narito ang aming mga naibigang akda sa wikang Tagalog.

Ang Pista sa Nayon:Pahiyas Festival

Malapit na naman mag Mayo 15, ilang araw na lang ang iintayin ko para masaksihan ko na naman ang pagdiriwang ng mga taga Lukban, Quezon.

Next week na pala ito. Mahigit 4 o 5 oras siguro ang byahe mula sa amin para makarating dito pero nakakaengganyo magpunta hehe. Dito inilahad ni @prettydead24 kung bakit ka kailangan magpunta sa Pista ng Bayan ng Lucban gamit ang mga larawan at kaunting kwento sa karanasan.


Huling byahe

Kailan ka huling sumakay
Sumakay at sumabay sa byahe ng buhay
Byaheng patungo sa lugar, na meron and lahat
Pero sayo wala at may kulang.
Kulang na hindi mapaliwanag, hindi maintindihan,
Kakulangan sa sarili, o sa pamilya
Hindi naman!

volkswagen-569315_1280.jpg

Isang tulang ginawa ni essan-sa na nagsasabi sa atin na sakay lang ng sakay sa buhay dahil walang may alam kung ano talaga ang mangyayari sa bandang huli.


Hinagpis sa Paglubog nang Araw!

Palubog na ang Araw
laging hanap ay Ikaw.
Matamis mong halik
kahit sa panaginip pilit kong maibalik.

![20180318_180016.png](

Yung mga huling salita ang nagdala talaga. Dapat "balanse" talaga hindi yung ikaw ang bigay ng bigay ng pagmamahal tapos ang ending ikaw lang pala talaga ang mag-isang lumalaban.


[Mga Munting Patalastas](Hindi bayad sana isponsoran nila sa hinaharap kahit potato chips lang)

Announcing "Word Poetry Challenge" #1. Tema : "Larawang Kupas" | Tagalog Edition

Maliban sa SBD na reward may personalized na banner daw ang magwawagi ayon kay @jassennessaj

Kung nais nyo pong makigulo sa aming munting tambayan ay malaya po namin kayong ini-imbitahan na makigulo. Walang masyadong mga plano ang mga nandun sa buhay panay sulat at kulitan lang. narito po ang discord link Discord

Muli maraming salamat po sa pagtangkilik sa wikang Tagalog at isang mapagpalang araw po.

Sort:  

salamat ng marami @tagalogtrail at isa ang aking akda sa iyong napili. salamat po.

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66272.75
ETH 3183.00
USDT 1.00
SBD 4.09