Ika Apatnapu't Pitong Edisyon ng Tagalog Trail

in #pilipinas6 years ago



Kamusta mga Katropa!

Sana lahat ay nasa mabuting kalagayan dito sa Steemit.
Ito po si Toto ang nag-uulat ngayon para sa arawang edisyon ng @tagalograil.

Para sa araw na ito narito ang aming mga naibigang akda sa wikang Tagalog.

Word Poetry Challenge #1: "Larawang Kupas"

20180509_111958_0001.png

Nakatago sa isang madilim na sulok
Unti-unting kinakain ng anay at alikabok
Naaagnas ng dahan-dahan at naging marupok
Naging panandaliang dapuan ng lamok

Nahuli na ako agad ng akdang ito sa mga unang salita. Nung binabasa ko sya sabi ko sya napa tulala nalang ako para akong naging agiw sa isang sulok. Basta maganda yung naging daloy nya.

Lutong Bahay ala Kristina ( Lechon Paksiw)

Mga Rekado:

  • letchon (leftovers)
  • Mang Tomas (letchon sauce)
  • Sukang Puti
  • Pamintang Durog
  • Dahon ng Laurel
  • Mantika
  • Asukal(kung gusto nyo medjo matamis)
  • Bawang at Sibuyas

7E54F3F6-A7C9-4130-97F7-96C1FC637013.jpeg

Umpisahan na ang pagluluto! Yung lechong baboy nung nakaraang araw para hindi mapanis agad gawing lechong paksiw. Isa ito sa mga paborito namin maliban sa potato chips at chicharong baboy. Alam nyo na kung bakit kasi nakakabata ang luto. Nyahahahah Madali lang ang proseso ng kaniyang pagluluto at kahit ang batang tarsier kaya itong gawin.

TAGALOG BLOG | Tula para sa mga pusong PINAASA, NAWASAK, at NASAKTAN.

Mahal bakit mo ko iniwan,
Sabi mo pa nga noon magmamahalan tayo magpakilanman.
Sinasaktan mo ang aking damdamin,
Lalo na nung nalaman kong pinili mo siya kaysa sa akin.

HUGOT bes! Ang saklap nung ganun ano po. Sabi nga ni @cheche016 WALANG FOREVER!


Kung nais nyo pong makigulo sa aming munting tambayan ay malaya po namin kayong ini-imbitahan na makigulo. Walang masyadong mga plano ang mga nandun sa buhay panay sulat at kulitan lang. narito po ang discord link Discord

Muli maraming salamat po sa pagtangkilik sa wikang Tagalog at isang mapagpalang araw po.

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 63457.41
ETH 3119.12
USDT 1.00
SBD 3.94