Ika Apatnapu't Walong Edisyon ng Tagalog Trail

in #pilipinas6 years ago



Kamusta mga Katropa!

Sana lahat ay nasa mabuting kalagayan dito sa Steemit.
Ito po si Toto ang nag-uulat ngayon para sa arawang edisyon ng @tagalograil.

Para sa araw na ito narito ang aming mga naibigang akda sa wikang Tagalog.

Nobela - @xorexman

Music is one of my stress reliever when I was not crocheting before. Whenever I'm sad, I turn on the radio and hear some music. I know lots of people would like music too but different genre.


Naka English yung post nya, pero dahil sa ang kanta nya ay nasa Tagalog napili ko parin ito na ma feature sa post na ito. Maganda ang boses ni @xorexman, ngayon hindi nalang siya pang tula at pag gagantsilyo. Pang Karaoke narin ang labanan. Maari nyong pakinggan ang kaniyang video sa link sa itaas. kailangan mabilis ang net, mabagal mag load si Dtube



Literaturang Filipino: "Jeepney"

Nangyari ang kwentong ito, isang taon palang ang nakaraan. Ako nga pala si Japh, isang engineering student sa isang unibersidad dito sa Cebu.

Sino ba naman ang ayaw sa real story diba? Hekhek maganda ang naging daloy ng kwento niya (para sa akin) tapos yung format pa ng post ang linis din! Kaya nung binasa ko solb na ako sa kwento. Happy 5th monthsarry sabi ng tarsier.



Bitter No More: Panimulang Bahagi

Para sa mga bitter…
Para sa mga broken hearted…
Para sa mga iniwang luhaan…
Para sa mga nabigo sa pag-ibig…
Para sa mga nagmahal, nasaktan, at gustong bumangon…

Bitter No More.PNG

Ito ay ang mga paunang silip ni @jemzem sa kaniyang akda. Habang ni re-reverse search ko ang akda nya. Na madalas naming ginagawa ni Junjun (para masigurado na orihinal at hindi kinopya ) ang likha napunta kami sa account ni mejarie sa wattpad dito namin napatunayan na ang aming munting pabebe writer ay isa ding manunulat sa wattpad.


Ayan po ang aming mga napili ngayong araw na ito. Muli isang mapagpalang araw po sa ating lahat.


Kung nais nyo pong makigulo sa aming munting tambayan ay malaya po namin kayong ini-imbitahan na makigulo. Walang masyadong mga plano ang mga nandun sa buhay panay sulat at kulitan lang. narito po ang discord link Discord

Sort:  

Salamat sa pag feature ng aking akda at sa papuri. Hehe

Salamat, @tagalogtrail!
Pero ibinunyag n'yo pa talaga 'yung account ko sa wattpad. Nahiya ako bigla. Ganyan talaga yata kapag pabebe. 😂

Ganun talaga lumabas na naman sa General chat edi panindigan na natin. Tsaka para sa more followers! Malay mo dumami pa ang followers mo.

Coin Marketplace

STEEM 0.36
TRX 0.12
JST 0.039
BTC 70223.87
ETH 3561.28
USDT 1.00
SBD 4.73