Ika Limampung Edisyon ng Tagalog Trail

in #pilipinas6 years ago



Kamusta mga Katropa!

Sana lahat ay nasa mabuting kalagayan dito sa Steemit.
Ito po si Toto ang nag-uulat ngayon para sa arawang edisyon ng @tagalograil.

Para sa araw na ito narito ang aming mga naibigang akda sa wikang Tagalog.

Literaturang Filipino / Ang Aking Napakalaking Karangalan na Nakamit !!!

Ang karangalang aking natanggap ay walang tutumbas sa medalyang inyong natatanggap, Ang karangalan na aking natanggap ay magkaroon ng isang masigla at matalinong anak.

Umpisahan natin ang mga napiling entry sa post ni ate @juviemaycaluma na kung saan ikinuwento niya ang isa sa pinaka magandang karangalan na kanyang natamo at iyon ay ang pagkakaroon ng isang masigla at matalinong bulinggit.



Araw ng mga Ina | Araw pa rin ng Labada

Ngayon ay araw ng mga ina. Pero dahil Linggo ngayon, ibig sabihin, araw din ng labada. Kaya ano pa nga ba? Pagkatapos kong namnamin ang pasobrang oras ng tulog na regalo ko sa sarili ko bilang ina, nagkape na ako agad at binuhat na ang labahin papunta sa gilid ng bahay namin.

20180513_075241.jpg

Yung maglalaba ka nalang may hugot parin sa buhay hahaha. Nakakatuwa kung paanong pinaliwanag ni @romeskie ang mga gamit ni Washie-wash.Ginalingan ni washie-wash ang paglalaba at paglilinis.



Filipino-Poetry: Dumi ng Politiko

Sila ang bumili ng boto, hindi ako
Sila ang mga manloloko
Ngunit ako ay kanilang nagamit
Sakim sa kapangyarihan, kanilang nakamit

F5E510E9-9D39-45E6-AFC7-D997CDEDED06.jpeg

Makalipas ang 9 araw na walang post nagbalik si @christyn sa isang napapanahong post patungkol sa eleksyon. Kung saan dito inilahad niya na kahit gaano pa kaganda ang iyong hangarin kung napasama ka naman sa partidong hindi ganun kalinis pati ikaw ay madadamay parin.

Pangarap nang Mahirap

Hayaan mo balang araw ay aahon ka rin,
Sa putikan kung iyong pagbubutihin,
Wag kang mainggit sa kanila,
Isipin mong makakamit mo rin ang naabot nila.

images (3).jpeg

Isang simpleng tula na sumasalamin sa kung ano ang ating maaring gawin upang umunlad. Kailangan magsumikap para umunlad.



Ayan po ang aming mga napili ngayong araw na ito. Muli isang mapagpalang araw po sa ating lahat.


Kung nais nyo pong makigulo sa aming munting tambayan ay malaya po namin kayong ini-imbitahan na makigulo. Walang masyadong mga plano ang mga nandun sa buhay panay sulat at kulitan lang. narito po ang discord link Discord

Sort:  

Haha. Salamat sa pag-feature @tagalogtrail. Natutuwa ako at napasaya kayo ni Washiewash. :-)

Kami rin ibang saya ang dinulot sa amin ni Washie sana'y tumagal pa ang pagsasama nyong dalawa kahit iniwan nya na kami. Sana ay di sya tumulad sa ginawa nya sa amin. (Oo may hinanakit parin kami)

Salamat po @tagalogtrail sa pag-feature ng aking post..

Wala pong anuman! Nako sobrang natuwa kami talaga dun sa post may pa smile smile pa kami habang nagbabasa.

Wow naman, salamat talaga at nagustuhan nyo ang aking post.

Salamat kabayan sa pag feature ng aking likha hehe🤗🤗

Nyahahah wala pong anuman @jhanmervz isa pong karangalan sa amin.

Coin Marketplace

STEEM 0.36
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70446.49
ETH 3571.68
USDT 1.00
SBD 4.73