Isang Mainit na Tanghali

in #pilipinas6 years ago

Isang napakainit na tanghali ang bubungad sa aking bintana
Pawis na tumatagaktak ay hindi ko inalintana
Dahil ang aking lamesa ay dito nakapwesto
Magtiis ka ng kaunti mamaya naman ay magiging presko


Ang aking nais sana ay umulan ng nyebe
Kahit alam naman natin na ito ay imposible
Pero malay mo biglang magkaroon ng milagro
Tanda ko noon, dati'y umulan din dito ng yelo


Ngunit habang pinapangarap kung ito ba ay mangyayari
Pagbabago ng panahon, hindi rin kawili-wili
Nagbabadya ito ng isang malaking suliranin
Climate change kung ito ay tawagin


Kaya ngayon init ng tanghali ay aking titiisin
Buksan nalang ang bentilador at kamiseta ay hubarin
Pag hindi na kaya, ang gagawin ko ay ang mag-siesta
Magbakasakali sa pagtulog ako ay tumangkad pa


Sort:  

Sana nga ay umulan ng nyebe
Kase ang init nga dito satin ay grabe..
Galing mo talaga @tpkidkai!👏😄

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64605.91
ETH 3159.61
USDT 1.00
SBD 4.11