#Steemitserye: "KAILAN ANG TAMANG PANAHON NG ATING PAG-IBIG "💞👍by @yennarido

in #pilipinas6 years ago (edited)

Naniniwala ka ba na kapag natamaan ka ni kupido ay tapos na ang lahat? Paano kung mali pala yong napili mo? May magagawa pa ba ang tadhana para ang landas niyo ay magkatagpo?


Isang araw nag uusap si Judy at ang kanyang tita. Judy ano ba ang plano mo sa buhay mo? Tita of course magkaroon ng mabuti at maayos na buhay.

Ano may plano ka ba na mag asawa ? Opo, tita pero hindi pa ngayon dahil bata pa ako. Mayroon akong ibigay sayo na kaibigan para maging chatmate mo. Tita naman ang bata ko pa sa ganyang bagay. Hindi naman ibig sabihin na magchat ay mag asawa na. Mabuti na rin yon para matutu kang makipaghalobilo sa iba.

Ok, tita.

Sino ba yan? Kaibigan ko siya at nasa America na siya nakatira at isa pa malayo ang agwat ninyo sa edad.



https://goo.gl/images/hXBzBw


Ok, ok na nga tita.

Nagsimulang nagchat si Jimmy kay Judy at sila ay naging magkaibigan simula noon.

Si Jimmy ay palaging busy sa kanyang trabaho at si Judy naman ay busy sa kanyang pag aaral.

Sa kabila ng kanilang busy life ay may panahon pa rin sila sa isat isa.

Kumusta ka na judy? How about your studies?

Ok lang po, kahit papaano ay mataas naman yong nakuha kong marka.

Mabuti kong ganon basta huwag mong pabayaan yong sarili mo.......

Natapos ang kanilang pagchachat ni Jimmy at Judy.

Ano ba tong naramdaman ko parang hindi na mawala sa isip ko si Judy pero imposibli dahil ang bata pa niya at ang tanda tanda ko na. Highschool pa siya at akoy nagtatrabaho na.

Siguro dahil namiss ko lang yong pagchachat namin, nakakaaliw kasi siya.

Nagdaan ang ilang buwan ay, ano na kaya ang nangayayari kay Judy hindi naman siya nagchat.


https://goo.gl/images/9eyUEm


*Ok lang kaya siya? Nag aalala na talaga ako sa kanya?*

Sana magreply na siya. Iwan ko ang dami naman ng mga babae sa paligid bakit iba ang naramdaman kay Judy. Nakakahiya naman ang tanda ko na nga at ang bata pa niya. Impossible talagang maging kami. Pero ano ba ito , miss na miss ko na siya talaga. Judy magreply ka naman.

Samantalang si Judy ay very busy sa kanyang pag aaral at pamamasyal kasama ang kanyang mga kaklase at mga kaibigan.

Bahala na nga si Jimmy kalimutan ko na lang siya parang tatay ko na rin yon.

Hay nako, may mga chat na naman siya, hindi talaga siya napapagod. Makareply nga. Jimmy sorry nabusy lang ako. Online pala siya, hello Judy, kumusta? Ok lang, ikaw kumusta, ok rin lang ako, sorry ha nabusy lang ako. Naintindihan ko judy, ang mahalaga ay ayos ka at nasa mabuting kalagayan. Thank you sagot ni Judy.

Sige bye see again, ok see you Judy mag ingat ka.

Nakalipas ang ilang araw, buwan at taon ay lumabo ang kanilang kumunikasyon dahil bihira na silang magkachat at hindi na rin nagreply si Judy.

Sakabila ng lahat ay hindi napapagod si Jimmy kakabahagi kay Judy sa mga araw araw na nangyayari sa kanya kahit walang nakuhang sagot galing kay Judy.

Si Judy naman ay halos hindi na naalala.

Na Hindi na niya naalala si Jimmy sa araw araw na routine. Samantalang malungkot na malungkot na si Jimmy dahil hindi na talaga siya naalala ni Judy.


https://goo.gl/images/Zg9ZxJ


Si Judy ay nasa second year college na ng kangyang kurso na nursing. Habang siya ay namamasyal ay nagkatagpo sila ni Tony ang kanyang kaklase sa highschool at pinakilala niya si Judy sa kanyang kaibigan na si Jacky.

Judy kumusta na ? Ok lang Tony, ikaw? Ok lng din ako. Ito pala si Jacky ang kaibigan ko. Hello Judy nice meeting you. Nice meeting you Jacky.

Ano pala ang ginagawa ninyo dito ? Pinapasyal ako ni Jacky kakauwi lang kasi niya galing Singapore. Ohh! Ganon ba, ok. Enjoy your bonding.

Ano pala yong trabaho mo doon? Nagwilder ako doon. Mabuti may trabaho ka na.

Boys, mauna na ako, may klase pa kasi ako.

Ok, Judy mag ingat ka. Salamat.

Pumasok na si Judy sa kanyang paaralan at habang nakikinig da klase ay tumunog ang kanyang cellphone.

Tunog ng celphone:

Ring..... Ring.... Ring.... What is that? Nothing sir, sorry sir.

Hindi ko familiar ang number na ito. Sino kaya ito?
Baka nagkakamali lang.

Malapit ng matapos sa third year si Judy at parang nawala na talaga sa buhay niya si Jimmy at parang hindi na rin nagparamdam si Jimmy sa kanya.

Sakabilang dako ay binaling na lang ni Jimmy ang kanyang sarili sa ibang babae dahil ilang taon na at wala na silang kumunikasyon.

Nakikilala ni Jimmy si Liza sa fb at gusto niya na silay magkita. Liza, uuwi na ako dyan pwde ba tayong magkita?

Ok, Jimmy magkita tayo.

Sa kabila ng kanyang planong makipagkita kay Liza ay hindi pa rin nawawala sa isip at puso niya si Judy.

Alam ko wala akong pag asa sayo ang sabi niya sa sarili habang nagmesage kay Judy.

Kahit hindi nagreply si Judy sa lahat ng mga mensahe ni Jimmy ay patuloy pa rin na pinaalam ni Jimmy ang lahat niyang plano at ang kanyang mga ginagawa kay Judy.

Hindi ko alam kong natanggap at nabasa mo pa ang mga mensahe ko sa iyo. Akoy patuloy na umaasa na mababasa mo ito. Gusto ko lang ipaalam sa iyo na uuwi ako sa susunod na araw sa Pilipinas at dahil hindi ko na alam kong ano ang nangyayari sayo . nais ko lang iparating na ako ay makipagkita kay Liza pag uwi ko. See you.



Si Judy naman ay nasa huling taon na ng kanyang pag aaral. Habang siya ay nag iisip sa kanyang graduation ay may biglang tumawag

Tunog ng celphone:

. ring.... Ring... Hello, magandang umaga rin. Sino po ito? Si Jacky po ito Judy, ohh Jacky kumusta kà na? Ok lang ako, ikaw Judy kumusta? Ok, lang ako. Bakit ka pala napatawag? Magtanong lang sana ako kong maari ba tayong magkita bukas? Hindi ako pwede bukas sa linggo na lang. Ok, judy sa linggo. Aasahan ko yan . salamat sa pagtanggap sa dinner. Your welcome Jacky. Bye Judy, ok. Bye Jacky.

Yes! Magdate kami ni Jacky. Ang saya saya ko .

Dumating ang linggo at nagkikita na sila. Ilang minuto na naghihintay si jacky bago dumating si Judy.

Hindi ko naintindihan ang sarili ko, ang sayasaya ko. Judy! Jacky kanina ka pa, ilang minuto na ang nakalipas. Umupo ka Judy. Salamat Jacky. Habang silay kumakain ay masayangmasaya silang nagkuwentuhan at silay nagtatawanan.

Hindi nagtagal ay naging magkasaintahan sila Jacky at Judy. Ginawang fb profile ni Judy ang kanilang litrato ni Jacky .


https://goo.gl/images/zWos1w


Habang namamasyal sila Judy at Jacky ay hiniram ni Judy ang cellphone ni Jacky.

Pahiram ng cellphone mo Jacky titingnan ko lang ang kuha nating litrato. Ok, ito Judy...Ang saya-saya ni Judy habang hawak na niya ang cellphone nakasmile pa ito at...... Hahang siya ay tumitingin ay may natanggap na mensahe ang cp ni Jacky na madaling nabasa ni Judy. Namumula ang mukha ni Judy at parang gusto ng umiyak.


Abangan........ *Sino kaya ang ng messege ni Jacky? ano kaya ang mensahe nito?...bakit para gusto ng umiyak si Judy ano kaya ang kababalaghang nabasa nito?...ito'y abangan natin sa susunod na yugto....*...

Lubos na Nagmamahal,
@yennarido


Til next time,Thank you and God Bless😀👍🙏💞 Please support the person who inspires many, including me, Sir Terry @surpassinggoogle by voting @steemgigs as a witness. Visit https://steemit.com/~witnesses then type "steemgigs" in the first search box.

Thank you sa gift footer sis @sunnylife ,God Bless💞😀

Keep steeming💞😊👍

Sort:  

Hmmmm. Sino nga kaya ang misteryosong nagmessage? Abangan natin yan! :)

Salamat sa comment..sis..yun ang abangan natin hahahaha😀👍

Coin Marketplace

STEEM 0.32
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66654.57
ETH 3250.95
USDT 1.00
SBD 4.33