TULA : Tag-Ulan

in #pilipinas6 years ago (edited)

image

image source

Nadarama niyo na ba ang malamig na hangin
Mga pagkaing may sabaw masarap ihain
Sumasayaw mga puno sa ihip ng hangin
Hayan na ang tag-ulan, ating salubungin

Hindi gaya sa tag-araw na madaming hirit
Sa pagpatak ng ulan, napapawi ang init
kayraming mga plano pero hindi maipilit
sa loob na lang ng bahay tayoy mag kantaririt

Nagbibigay ito ng libreng dilig sa halaman
Pati na rin ang patubig sa mga palayan
Kaya ito'y maituturing na isang yaman,
Biyaya ng. Langit dito sa. Kalupaan

Kung minsan din ulan ay mapanganib
Isang bagyo madalas nitong kaanib
Kaakibat din nitoy pagguho ng lupa
Karaniwan na din ang mga pagbaha

Sa aking pakiwari itoy may koneksiyon
Na tayoy may dapat malamang leksiyon
Na itong ulan sanay dulot ay kaligayahan
Kung ating pangangalagaan ang ating kalikasan

Kung ako ang tatanungin isa lang nasa isip
Di ko nais ang ulan, di ko alam kung bakit
Lungkot na dala nito saki'y nagpapasakit
Tagaraw pa rin ang sa akin ay kaakit akit

Thanks for dropping by!

ZEPHALEXIA.gif

Sort:  

You just received a Tier 0 upvote! Looking for bigger rewards? Click here and learn how to get them or visit us on Discord
If you would like to opt out of receiving comments reply with STOP

Beautiful photo dear... Superb...

thank you 😊

Naalala ko pu ang mga experiences ko tuwing umuulan laluna pu ang mga pagkaing may sabaw na kaysarap higupin. Pero hindi ko den aman pu gusto na palaging umuulan dahil masarap parin maglaro sa labas kapag maaraw. Salamat pu sa nilikha mong tula sis @zephalexia

Iniimbitahan ka pu namen na makipagkulitan at makibahagi sa Tambayan ni @toto-ph sa discord https://discord.gg/nZDa2d Bilang parte ng pagbubuklod sa mga Steemit users na lumilikha ng mga maikling kwento, tula, sanaysay at kathang Filipino, naisipan ng @tagalogtrail na magkaroon ng tambayan para sa kanila.

maraming slamat din sa papuri sa aking akda
o sige kapag nagriscord ako papasukin ko ang tambayan, maraming salamat muli ❤️❤️❤️

Basang -basa sa ulan akaya naman ang munting anghel ko sa bahay ay maysakit. Ingat kayo, sissum. Ang ulan ay nakakalungkot. Araw, lumabas ka na po! Xoxo

hope ate Arianni is feeling better now . ingat din kayo sissum , wala pa rin si harung araw 😘


This post was shared in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Saktong sakto ang tula na ito para maulan na panahon ngayon! Napakaganda ng iyong mensahe! God bless and more power @zephalexia :)

maraming salamat sa papuri @spreadyourword , God bless you too 😊❤️❤️❤️

minsan kelangan ng ulan:)
wag mag alalala bukas ay aaraw den:)
gleng! gorabels

umulan bumagyo gorabels lang tayo , thanks sis
😘❤️❤️❤️

Coin Marketplace

STEEM 0.36
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70446.49
ETH 3571.68
USDT 1.00
SBD 4.73