Kapag Magulo ang Isip Mo | #ULOG A

in #poem6 years ago

FB_IMG_1530892507450.jpg

Kapag dumating ang pagkakataong
Hindi mo alam ang gagawin
Ang puso mo'y kumikirot.. dumadaing;
Dahil sa mga pagsubok na dumarating...

Kapag hindi mo na kayang tiisin
Ang mga paghihirap na nadarama
Na parang ang ligaya ay biglang nawala
Hindi mo alam kung saan nagpunta...

Kapag hindi moh na maatim tingnan
Ang maitim na ulap ng paninibugho
Kasing itim ng uling, binabalot ang puso
Kapag mabigat na ang dinadalang lungkot
Na parang may kadena at bakal na bola sa mga kamay mo...

Ipikit mo lang ang mga mata mo
Ipunin ang lungkot at ilabas ng todo
Papatak ang luha,isa..dalawa..tatlo!
Ihibik sa Maykapal ang mga siphayo.

Panapanahon lang yan huwag kang mag-alala
Kung ngayo'y madami ang problema,
Makakaahon ka din sa hukay ng pagdurusa
Ituon ang paningin sa mabuting bagay na darating pa.

Iyang galos ng kaguluhan sa iyong isip ay mapaparam
Iyang sugat sa puso ay hihilom...magpapaalam;
Ipikit lang ang mga mata at dumalangin
Iiyak mo pa ng husto kung kakailanganin.

Huwag mahiyang ilabas ang tunay na nararamdaman
Mapababae o lalaki ka man,
Maging ang magiting na sundalo ay umiiyak din naman
Sapagkat ang luha ay armas ng may mabuting kalooban!

=======V=0=T=E==F=O=R========
Have you voted your witness?
Consider casting your witness votes for @steemgigs (@surpassinggoogle), @precise, @acidyo, @jerrybanfield, @blocktrades, @cloh76.witness, @ausbitbank, and @curie who have been adding invaluable contribution to the community.

To cast your votes, just go to
https://steemit.com/~witnesses

=======S=T=E=E=M=G=I=G=S=======
Much love, God bless!

Your UPVOTE|RESTEEM|FOLLOW, will always be my source of motivation and inspiration.

Sort:  

Kapit lang. Lilipas din lahat. 😉

Sang ayon po ako..kakapit tayo sa magagawa ng Tagapaglikha ng Langit at Lupa. :)

Napakagandang tula bro. Makatotohanan.

Salamat bro...gawin ko pa na mas maigi at makatotohanan ang mga susunod ko na mga tula.

Ung luha ko hindi kaya ng isa, dalawa o tatlo bro. I need more pa. But ang galing😊

Ipikit lang ang mga mata at dumalangin
Iiyak mo pa ng husto kung kakailanganin

Kaya pala nanahimik ka ng may katagalan @essan-san. Cge lang iiyak mo lang...it will ne over soon.... At kapag natapos na yan... Youll be stronger than before... ;)

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64223.84
ETH 3158.34
USDT 1.00
SBD 4.29