AKO'Y NAGING HAMAK - FILIPINO POETRY

in #poetry6 years ago

image

AKO'Y NAGING HAMAK

Sa lupang buhahag ng landasing lagim
Aking tatahakin sa sapot ng dilim
Ang 'yong mga yapak.
Buwitre't hungyango mn yaong makapiling,
Sa dapit-umaga'y 'yong pakaisipang
Ako'y naging hamak.
Bantulot man ako sa pagkagupiling.
Ninilay ang pebo niring takipsilim.
Ako'y naging hamak... Hamak na dakila.
Hindi kasalanay puso'y mapithaya sa pagdaralita.
Binhing sisibol sa puso't gunita.
Saliw ng 'sang himnong may hatid biyaya.
Sa isang makata
'Di man makatighaw ang piping adhidka,
Pilit bubuhayin nitong abang tula.

Sa abang buhay ko'y pilit umimbulong
Ang 'sang panginoring sing-tala Ang tayog
Ng pagbabagong-buhay.
Kailan maabot ang dulo ng bantayog?
Ang gulong ng buhay, paano iinog
Nang walang bahid-lumbay?
Kung ang himig Ng daing ay 'di muling tutugtog.
Nais kong magising sa sawing bungang-tulog.

Ako'y naging hamak..
Ikaw'y naging buhay,..

Ikaw yaong ebang naghatid-lumbay
Sa gintong liwayway.
Pakaliripin mong itim yaong kulay
Nitong tanikalang halos ay pumugay
Sa aking tagumpay.
Ako'y naging hamak sa panlulupaypay
Nang 'di ko malasap ang prutas ng buhay!

Inyong amigo: @aaronplando
image

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by aaronplando being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 64579.45
ETH 3101.05
USDT 1.00
SBD 3.83