TAO: BAKIT KA NABUBUHAY - FILIPINO POETRY

in #poetry6 years ago (edited)

image

TAO: BAKIT KA NABUBUHAY

Bawat bagay sa daigdig ay may iwing kahulugan
Bawat buhay na sumupling ay may angking kabuluhan;
Bawat ngiti ng ligaya ay may lungkot na kakambal,
Bawat araw ay may gabing sa kanlura'y nag-aabang
Bawat tao ay nalikhang may hukay na naghihintay,
Ngunit bakit ka nabubuhay kung ikaw'y may katapusan?

Magmula sa iyong duyan noong ikaw'y maging sanggol,
Noong ikaw ay halamang bago pa lang kauusbong,
Hanggang doon sa hukay mong inihanda ng panahon
Noong ikaw'y matanda na't ang buhay mo ay maparool;
Hindi baga at kay igsi ng landas mong tinalunton?
Hindi baga't sandali lang ang buhay mong panginoon?
Di ba't Waring kahapon lang ang maraming mga taong
Sa tangkay ng buhay mo ay bulaklak na naluoy..?

Ikaw tao, ay nilikha sa larawan ng maykapal,
Ikaw'y lupa't kaluluwa, pinag-isang budhi't laman,
Mabuhay ka hindi upang any masama ay itanghal,
Hindi upang si Satanas ang sambahi't kamanyangan;
Hindi upang magpayaman; hindi upang kumain lang,
At bundatin sa hangaring makalupa ang katawan;
Hindi upang ang hamak na'y hamakin pa at tuntungan,
Hindi upang limutin mong ikaw'y taong mamamatay!

Nabuhay kang may puso, isip, kamay at paningin
Upang sila'y gawing sangkap sa paggawa ng magaling;
Nabuhay ka upang itong daigdig mo'y pagandahin;
Upang ang may lungkot sa alo mo ay pasayahin;
Upang lahat ng may uhaw ay kusa mong painumin;
At ang bawat nagugutom sa palad mo ay busugin;
Upang ikaw, kung mamatay, ay mabuhay pagkalibing
At ang landas ng Lumikha'y pangiti mong taluntunin!.

Inyong amigo: @aaronplando
image

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by aaronplando being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64275.05
ETH 3147.49
USDT 1.00
SBD 4.29