" Limos " - a Filipino Poetry

in #undefined6 years ago

images (8).jpg

Dulo't nito'y sakit at pasakit
Hirap saking pag hinga
Bukas ay sisigla
Pero muling bibigat pag nandyan ka

Bakit sakin ipinapadama
na ako'y pangalawa
na hindi mo na kayang muli ay magmahal pa

Hindi ako sya kaya Hanggang dito nalang?
Pagmamahal mo ay di ko maramdaman
Pag Ibig na Ang sabi mong ito
Hanggang sa salita mo Lang kayang gawin ito

Ilang buwan na din ito
Hirap na hirap na ko umasang syang makakalimutan mo
Nag umpisa tayo sabe mo " OK ka na "
Limot mo na sya pero Bakit?

Bakit hindi ko maramdaman ang pagmamahal mo?
Hirap na hirap na kong intindihin ka
Pagmamahal ko sayo'y napapagod na

Ayoko ng umasa pa
Mahirap magmahal ng taong iba ang mahal
Kahit Anong gawin mo hindi ito sapat
Hindi ka nya makikita kase iba ang laman ng puso nya

Malapit na, konting konti nalang
Masasaktan Ako pag iniwan kita
Alam mong mahal na mahal kita
Pero pagod na ko, pagod na Ang puso kong mag antay dahil mahal mo pa din sya

Gusto ko din maging masaya
Gumising sa umagang nakangiti at masigla
Hindi katulad satin na pag gising hawak mo kagad Ang iyong telepono
"Mahal nandito ako" nasa tabi mo Lang ako

Pinagluluto kita ng kahit na anong gusto mo
Ginagawa ang lahat para sayo
Maramdaman mo lang na ikaw Lang ang mundo ko
Subalit sa tuwing ako'y lalapit para akapin ka pinagtutulakan mo at sasabihing naiinitan ka
Hahalik sayo upang mapadama pero ikaw ay iiwas pa

Mga halik na walang init
Mga yakap na mabilis dahil ayaw mong dikitan kita
Mga panlalait na iyong binibitawan at minsan nga ay kinahiya mo pa nung may nakakita satin na iyong kaibigan napakasakit ng ako'y iyong talikuran na para bang di mo ko nakikita
masasakit na salita lahat di ko ininda dahil mahal kita

Kahit konting lambing di mo magawang ibigay
Pagmamahal mo'y nililimos ko pa
Sobrang sakit na di ko na kaya

Susuko ako di dahil hindi na kita mahal
Susuko Ako dahil hindi mo naman naiparamdam sakin na ako ay mahalaga


"Limos"
Poetry written by Anthony Barba
05/28/18

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 63547.08
ETH 3070.13
USDT 1.00
SBD 3.83