" Mag Ingat ka dilim " - a Filipino poetry #6

in #poetry6 years ago

IMG20180611232730.jpg

Malayo man ang tingin sa dulo,
Hindi mo napapansin ang nagtatago dito.
Hindi mo makikita kung walang liwanag,
Na syang magpapakilala kung ano talaga Sya.

Madiin man ang tingin,
Malalim ang paghinga,
Oras na para mag ingat ka!

Sa oras na araw ay nagtago
Oras na din para ikaw ay magtago.
Sa dami nila dapat ma Ingat ka,
Kung anong talas ng pakiramdam mo,
Ay un ang bilis nila.

Marami na ang na biktima,
Marami na ang nasaktan at bigla nalang humilatay, sa pag kakahimbing na hindi mo gusto, sa huling hinga na di mo sadya.

Marami ang naulila, sa maliit na bagay na iyong nakuha.
Bakit di ka mag isip, paa'y muling igamit.
Kamay na may malay gamitin sa wasto,upang ibang tao di mo maabuso.

Mahirap ang mag banat buto,
Pero mas mahirap kung di mo tutulungan Ang sarili mo.
Sa una Lang mahirap lahat ng bagay sa mundo,
Pag nag sumikap ka tiyak pangarap mo ay makakamit mo.

Sa sandaling mapadaan ka, mag ingat ka!
Madami sila, kung kaya umiwas, umiwas na,
Sa susunod na dadaan ka, mag ingat ka!


" Mag Ingat ka dilim "
Poetry written by Anthony Barba
06/11/18

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 63457.41
ETH 3119.12
USDT 1.00
SBD 3.94