"HIRAM NA SAGLIT" An Original Filipino Spoken Poetry

in #poetry5 years ago

24.jpg
Dumating ka sa buhay ko ng di inaasahan
Pero kahit ganun natutunan kitang mahalin ng walang pag-aalinlangan
Akala ko talaga ayos na lahat
Akala ko talaga sasaya nako ng lubusan
Pero huli na noong nalaman ko na may nag mamay-ari na pala sayo
May nagmamay-ari na niyang puso mo
Alam kong mali
Alam kong mali ang umibig sa isang taong nakatali
Alam kong mali ang mahalin ka pa lalo na at nakatali na iyang puso mo
Alam kong mali, pero kasalanan ko ba?
Kasalanan ko bang ikaw ang tinitibok nito?
Kasalanan ko bang ikaw ang pinili nito?
Kasalanan ko ba kung hindi ko mapigilan ito?
Kung nadidiktahan lang sana ang puso, edi sana hindi nako nahihirapan ng ganito
Kung madali lang sana ang kalimutan ka, edi sana hindi na ikaw ang nilalaman nito
Kaya lang hindi eh, lalo na at araw-araw kitang nakikita
Iyang mga ngiti mong nagbibigay liwanag sa mga maulap na araw ko
Iyang tinig mong animo'y isang nakakahalinang musika sa pandinig ko
Iyang mukha mong laging nakatambay sa isipan ko
Mula sa paggising hanggang sa pagtulog ko
Iyong simpleng pagdadampi ng ating mga balat na naghahatid ng libo-libong boltahe sa katawan ko
Kaya sabihin mo, paano kita makakalimutan kung lagi kanang nakabaon sa sistema ko?
Siguro nga baliw nako
Baliw na baliw nako sayo
Alam kong mali ang ibigin ka pero sana hayaan mo lang ako
Hayaan mo lang akong makasama ka kahit sa panaginip ko
Hayaan mo lang akong mapangiti ka kahit sa mga simpleng katangahan ko
Hayaan mo lang sana akong mahalin ka kahit man lang sa malayo
Wala akong pakialam kong masaktan man ako
Wala akong pakialam kahit hindi mo ako kayang mahalin pabalik
Basta hayaan mo lang ako, masaya nako doon.

Sort:  

This post has been upvoted for free by @millibot with 0.1%!
Get better upvotes by bidding on me.
More profits? 100% Payout! Delegate some SteemPower to @millibot: 1 SP, 5 SP, 10 SP, custom amount
You like to bet and win 20x your bid? Have a look at @gtw and this description!

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 63510.75
ETH 3065.54
USDT 1.00
SBD 3.82