Huling byahe

in #poetry6 years ago (edited)

volkswagen-569315_1280.jpg
Image Source

I

Kailan ka huling sumakay
Sumakay at sumabay sa byahe ng buhay
Byaheng patungo sa lugar, na meron and lahat
Pero sayo wala at may kulang.
Kulang na hindi mapaliwanag, hindi maintindihan,
Kakulangan sa sarili, o sa pamilya
Hindi naman!

II

Kailan ang huling byahe mo,
Byahe na kasama at karga ang pangarap mo
Pangarap ng binuo ninyo dalawa dati
Dahil bumaba sya naglaho na! parang bula.
Bulang nagmarka ng malalim sa pagkatao mo.

III

Kailan ka sumakay ulit,
Sumakay para subukan ang nawala dati
Sumabay sa agos ng tadhana
Pangarap dati lumigaya sa pangalawa nadama.
Pero nung nahulog kang bigla, na wala ulit sya..

IV

Sakit sa puso sa una bumalik,
Naramdaman ulit ang parehas na sakit
Sakit na hindi mapaliwanag
Na parang tinik sa karimlan, tinutusok ng paulit-ulit.

V

Huling byahe na, Sasakay ka pa ba?
Kasi ako OO!
Sasakay ako, walang masamang subukan
Kahit mahulog na biglaan man o dahan-dahan.
Masaktan ka o hindi, iiyak lang.
Bumitaw man o hindi, hayaan lang.

VI

Sa byahe ng buhay, walang nakakaalam
Kung ikaw ay makakarating sa patutunguhan
O mahuhulog ng paulit-ulit sa kumunoy ng buhay Pag-ibig.

Support Filipino Poetry " TULA "


Thank you for your time, keep steeming and happy steeming!

Have you voted your witness?
Consider casting your witness votes for @steemgigs (@surpassinggoogle), @precise, @cloh76.witness, @ausbitbank and @curie who have been adding invaluable contribution to the community.

To cast your votes, just go to
https://steemit.com/~witnesses

30920401_10155345006955785_2118814778_o.png

Sort:  

Sumakay habang maaga para tuluyang di mapag iwanan. 😆😆😆

Nakasakay na ple mabilis lang ang byahe.🤣🤣🤣

24 hrs naman ang byahe, tulad ng sabi ni kuya... siguraduhing hindi ka nakasabit. Ung naka upo ka ng komportable... 😉

Kaya nga kaso kapag nagbreak, pwede parin mahulog. Kahit nakaupo ng ayos🤣🤣🤣

may spce pa po ba? malalate na kasi ako. kahit makisiksik na lang ako oh.

;)

anyway the words are deep and@powerful... :) congrats!

Tara sakay na, pwede nman gawan ng paraan. Itapon ung walang bayad.🤣🤣🤣

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 62379.78
ETH 3034.69
USDT 1.00
SBD 3.78