Filipino Poetry 001: "Nakaraan"

in #poetry6 years ago

wallpaper-beach-sunset-silhouette-woman.jpg

Nakaraan

Ako'y nakatingala sa kalangitan
At pinagmamasdan ang bilog na buwan.
Bigla akong nakaramdam ng sakit na hindi ko maintindihan.
Mukhang dahil ito sa nakaraan.

Bigla kong na alala
N'ong panahong tayo pa.
Noong panahong ako at hindi siya.
'Yong parehas pa tayong masaya.

Sabi mo pa nga “Mahal Kita”
Tuwang-tuwa ako n'on aking sinta.
Sabi mo pa nga “Pangako, tayong dalawa ang panghabang buhay na mag-sasama”
Pero bakit gano'n, mukhang naging tatlo ata.

Parehas mo kaming minahal,
Ngunit bakit parang siya ang mas matimbang.
Bakit parang ako 'yong naging hangal.
Dahil ba ikaw pa rin ang siyang minamahal?

Pinilit kong kalimutan ka,
Ngunit mukhang hindi ko kaya.
Dahil sa t'wing nag-iisa,
Mukha mo ang siyang nakikita.

Muli akong napatingin sa kalangitan.
Tuluyan na ngang bumuhos ang ulan.
At muli kong naramdaman,
Ang pait at sakit ng ako'y iyong iniwan.

Hindi ko lubos maintindihan,
Kung bakit iniwan ako ng walang dahilan.
Ako'y lubos na naguguluhan,
Kung bakit mas pinili mong ako'y saktan.

Ngunit aking nalaman,
Na mayroon ka palang dinaramdam.
Gumawa ng kasinungalingan,
Upang ako'y lumayo at ikaw ay iwasan.

Ngayon mag-isang nakatingala sa kalangitan.
Inaalala ang masakit na nakaraan.
Hindi mo manlang ako hinayaang ikaw ay alagaan.
Hindi manlang kita nagawang yakapin at hagkan.

Napaka daya mo.
Iniwan mo akong mag-isa dito sa magulong mundo.
Iniwan mong sugatan at luhaan ang aking puso.
Hindi mo manlang ako hinayaang makapagpaalam sayo.

Huminto na ang ulan.
Tumigil na rin ang pagpatak ng luhang hindi ko nagawang pigilan.
Ako'y tumayo at sayo'y handang magpaalam.
Napayuko sa puntod na iyong kinahihimlayan.

“Hanggang sa muli aking minamahal. Alam kong hindi mo ako tuluyang iniwan.”

Umihip ang malamig na hangin
May sumilay na ngiti sa 'king mga labi.
Kahit saan ako magpunta, alam kong nariyan lang siya.

Image source :http://www.wallpaperawesome.com/wallpaper-beach-sunset-silhouette-woman.php

Sort:  

totoong storya po va ito, nakakalungkot naman.. pasensya na, na resteem ko.hehe

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 61645.58
ETH 3013.85
USDT 1.00
SBD 3.71