"Oh! Kaibigan Ko" : An Original Filipino Poetry

in #poetry5 years ago

Good friends are hard to find, harder to leave, and impossible to forget.

jassenn.jpg

Ang buhay ko'y puno ng kadiliman
araw-araw ako ay nasasaktan
kasabwat pa ang ibang kaibigan
na pinapatay ako dahan dahan.

Mapagmahal pa rin ako sa kanila
kahit ano mang kasamaang gawin nila
ang mga kaibigan ko'y mabilang na
sino ang mapagkakatiwalaan nila.

Sa pagdating mo lahat binago mo
nagbago ang sarili at buhay ko
di na rin ako nagpapaapekto
sa mga taong pakialamero


Minahal kita ng todong todo
kahit kaibigan lang 'yong gusto
ano man ang tingin nila sayo
mahal kita oh, kaibigan ko


Nag aaway man tayo nang anong dahilan
magkakasundo agad dahil may paraan
ako ay habangbuhay mong masasandalan
habangbuhay tayong maging magkaibigan


Oh giliw kong kaibigan
marami man tayong pagdadaanan
ikaw parin ang isang kailang man
kailan man ay laging sasamahan

1234.jpg


Coin Marketplace

STEEM 0.35
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70884.24
ETH 3570.27
USDT 1.00
SBD 4.76