"Binibining Kayganda" : An Original Filipino Poetry

in #poetry5 years ago

"Binibining Kayganda"


Oh binibining kayganda
Mapupungay na mga mata.
Ang tamis ng iyong ngiti
Kitang kita sa iyong labi.

Mukha mo'y nakakabighani
Napakaganda pa ang ugali.
Oh dilag, ikay sobrang marikit
Maganda parin kahit nakapikit.


Hubog ng kataway kawili-wili
Kilos ay sobrang kagiliw-giliw.
Kahit ang amoy ng iyong kili - kili
Walang baho, hindi mapanghi (lol).


Oh giliw, sana magng akin ka nalang.
Aalagan kita, maging sa una palang..
Iingatan ko ang puso mo
Wala ng hihigit pa sa iyo..


Pangako ika'y aking paliligayahin
Mundo'y sa'yo aking igagahin.
Ibibigay ko ang lahat sa'yo sinta
Linggo-linggo tayo'y magsisimba.


Sige na, hantungan naman natin ay simbahan
Sagutin mo lang ako, ika'y kakantahan.
Lahat ng lugar ay ating itong pupuntahan
Kahit pa tayo'y sa dilim ng kaligayan.


Maraming salamat sa pagbasa! (Thank you for Reading!)

Nawa'y nagbigay-aliw ang tulang ito sa inyong mga magiliw kong magbabasa. Kung may mga komento o suhestiyon kayo sa naturang tula, huwag mag-atubiling ilahad ang inyong mga opinyon. Ako'y lubos na magpapasalamat kung ako'y iyong tutulungan sa paghubog ng aking kakahan.

Muli, maramng salamat po!


Photocredit 1 Photocredit 2

Sort:  

Ang ganda nman ng titolo ,gusto ko sumali pero d talaga maboo.Sana makasali isang araw.

Posted using Partiko Android

Gawa ka lang @olivia08. Masasanay ka rin :)

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66408.70
ETH 3225.39
USDT 1.00
SBD 4.17