"Bughaw" : An Original Filipino Poetry

in #poetry5 years ago

Magandang umaga Steemians! Nais ko lang gumawa ng aking sariling katha. Kathang layuning mapaglinang at nais maging dalubhasa sa larangan ng tula.

diploma.png
Photocredit : Pixabay.com



Kapayapaan, yan ang ibig sabihin ng mada,
Dahil sa kulay na ang lamig sa mga mata.
Simbolo ng malawak na karagatan,"
*Na kung saan puro *"Bughaw" ang iyong mamataan.

Sa watawat ng Pilipinas ay makikita rin ito,
Palagng nasa taas dahil sa sinisimbolo nito.
Hatid na makamit natin ang minimithing kapayapaan,
Maibalik ang karangalan na inabuso ng dayuhan


Ang lamig na dulot ay nakahikayat sa akin,
Bughaw na kulay para sa kwarto ay gamitin.
At totoo ngang may hatid siyang lamig,
Dahil ang kwarto ko'y nagkaroon din ng himig.


Payapang lugar ang hatid nitong kulay,
Katulad ng karagatang "Bughaw" ay may buhay.
Simbolo ng tubg na kailangan ng katawan ,
Pangunahing kulay ng ating mahal na watawat.


Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)

Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.

Sasusunod Uli. Maraming Salamat!

@jassennessaj

Sort:  

Thank you for using @entrust!

You got a 99.19% upvote from @entrust courtesy of @jassennessaj!

Entrust is a bot focused on rewarding delegators and helping users promote their posts. We give 100% of the total rewards to the delegators with payouts will be given daily. If you would like to consider delegating to @entrust, we've made a quick delegation link for you :

10000 SP | 5000 SP | 1000 SP | 500 SP | 300 SP | 200 SP | 100 SP or visit our own tracker website for more information :

http://entrust.netlify.com/

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66396.53
ETH 3174.43
USDT 1.00
SBD 4.15