"Diploma" : An Original Filipino Poetry

in #poetry5 years ago

Magandang umaga Steemians! Nais ko lang gumawa ng aking sariling katha. Kathang layuning mapaglinang at nais maging dalubhasa sa larangan ng tula.

diploma.png
Photocredit : Pixabay.com



Dati-rati ika'y pangarap lang sa akin,
Di akalaing ikaw ay aking maaangkin.
Matagal ka ng nasa aking mga dalangin,"
Na sana sa dingding ika'y aking mabitin.

Anim na taon sa elementarya ang ginugol,
Apat na taon naman ang tinuon sa hayskul.
Limang pahirapang taon naman sa kolehiyo,
Kinayod lahat para maging isang inhinyero


Ngayon nasa harap na ng entablado,
Kaharap ang mga taong mahistrado.
Ang naatasang mamumuno sa seremonya,
Ang araw para matanggap ang aming "Diploma".


Isang napakaespesyal na araw para sa amin ito,
Dahil sa wakas nagbunga nadin ang aming mga sakripisyo.
Ang daan upang umunlad ang pamumuhay,
Pag-asang mabigyan ang pamilya ng magandang buhay.


Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)

Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.

Sasusunod Uli. Maraming Salamat!

@jassennessaj

Sort:  

Thank you for using @entrust!

You got a 95.55% upvote from @entrust courtesy of @jassennessaj!

Entrust is a bot focused on rewarding delegators and helping users promote their posts. We give 100% of the total rewards to the delegators with payouts will be given daily. If you would like to consider delegating to @entrust, we've made a quick delegation link for you :

10000 SP | 5000 SP | 1000 SP | 500 SP | 300 SP | 200 SP | 100 SP or visit our own tracker website for more information :

http://entrust.netlify.com/

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64678.67
ETH 3086.68
USDT 1.00
SBD 3.87