"Hating - Gabi" : A Filipino Poetry

in #poetry6 years ago

"Hating - Gabi"


Napakahirap ang mawala ka
Biglang nawala ang aking sigla
Tamis mong hatid ay wala na
Napalitan ng pait ang nadarama

Huni ng mga nagdaan ang sumasagi
Ang pagkawasak na hatid saking sarili
Pilit binabaon sa lupa mga nagdaan
Ngunit hindi kinaya sa mga araw na nagdaan


Bumalik ka na sana, oh aking sinta
Pa'g kasama ka ligaya'y nadarama
Di maipinta sa'king sarili ang pagkasabik
Na mayakap ka at ang sarili'y maidikdik


Sinta ko'y alisin na ang mga bangayan
Mga di tampo'y kalimutan ng tuluyan
Bumalik kana sa'ting mumunting tahanan
Nang makasalo ka uli sa hapagkainan


Pagsaluhan ulit natin ang mga nagdaan
Balikan kung gaano katamis ang nakaraan
Maging maligaya tuwing "Hating-gabi"
Damdamin ang pagnanasang nakakubli


Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)

Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.

Narito rin ang aking Tulang Pilipino (Na may Hugot) :

My Filipino Poetries :
Takot Akong Mawala KaUnti-unting NahuhulogMga Nakaw na Sandali
Hinahanap-Hanap KitaPinaasa Mo Lang PalaPagtatampo
Patawad ang HilingSalamat PanginoonPag-ibig na Walang Hanggan
NakakabaliwMahal Parin KitaNakakapagtaka
Tinamaan Nga AkoMinamahal KitaPuso'y Ikaw ang Pinili
Happy Birthday Mama KoIkaw na nga TalagaHahantong Sa Simbahan
Binibining KaygandaBat Biglang Napagod?Tadhana'y Pinagkait
O aking munting PrinsesaIneng, saan napunta ang iyong Dangal?Malaya
SandalanMahal Kita Kahit Magkaibigan lang TayoOh! Kaibigan ko
Oh Thesis KoUna't Huling Iibigin koNasaan ang Hustisya
Nanggigigil Ako SayoSa Iyong Paglisan

and Here are my English Poetries

My English Poetries :
Dear FriendIt Should have been MeMy Love
LifeSecret LoveWarriors Affection
Everything was PerfectAlways Be FriendsThis Can't Be True
YouEverytime I look at youWhen I look in your Eyes
Superman Gets TiredHow Real is the WorldLanguage
Lovers from Afar

Hanggang sa Muli


Photocredits : 1 2

Sort:  

galing ng pagkagawa !!!

Dmd jassen.. Gisunggo na gani ko na lalum kaayo ka og bisaya..unsa nlng kaha nga nag tagalog pajud ka? Unsa nman jud ni... Pasabta ko. 😂😂😂

Hahahah Dmd. Wag padala. Kathang isip lamang iyan @indayclara.

Grabe siya uyy. Hawod kaayo magbuhat ug poem ay. :) Lawom kaayo ug mga terms ayy :)

Ganda ng poem sir, kung para sa akin to pauwi na ako 😊😊😊 have a great day sir... 😘😘😘

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 62482.14
ETH 3044.68
USDT 1.00
SBD 3.76