"Kaduda-duda" : An Original Filipino Poetry

in #poetry5 years ago (edited)

Magandang umaga Steemians! Nais ko lang gumawa ng aking sariling katha. Kathang layuning mapaglinang at nais maging dalubhasa sa larangan ng tula.

duda.png


Ako'y napailing at labis ang pagkatulala,
Nung nalaman ko ang kanyang pinanggagawa.
Mahal niya daw, pero pinuno ng batikos,"
Mahal niya pa daw, pero sinira nya ng lubos.


Pinagmasdan ko lahat at akin itong inalisa,
Tinignan ko ang kanyang gawa simula pa nung una.
Lahat ng sinasabi ay talagang "Kaduda-duda",
Kasi parang wala naman siyang isip sa kanyang inilalathala


Inako ang atensyon at ipinakitang nadurog,
Hindi niya lang alam na siya ang labis na nandurog.
Mga tao'y pinaniwala na binuhos niya ang lahat,
Tapos ipinakita na lahat ng ito'y hindi sapat.


Lubos ang kanyang pagkadurog yung ang nakita,
Ngunit di nila alam na mas durog ang nangyari sa kabila.
Parang ikinulong sa hawla, nahihiya ng lumabas,
Pinaniwala kasi ang lahat na isa siyang malaking ahas.


Di man lang naisip ang karumal-dumal mong ginawa,
Ang mga taong nakapaligid ay dinamay mo ng kusa.
Bat mo sisiraan kung mahal mo ngang talaga?
O baka iba ang nais mo, ano ba talaga?


Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)

Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.

Sasusunod Uli. Maraming Salamat!

@jassennessaj

Sort:  

Thank you for using @entrust!

You got a 57.45% upvote from @entrust courtesy of @jassennessaj!

Entrust is a bot focused on rewarding delegators and helping users promote their posts. We give 100% of the total rewards to the delegators with payouts will be given daily. If you would like to consider delegating to @entrust, we've made a quick delegation link for you :

1000 SP | 500 SP | 300 SP | 200 SP | 100 SP or visit our own tracker website for more information :

http://entrust.surge.sh/

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 63585.64
ETH 3035.86
USDT 1.00
SBD 3.84