"Kaibigan" : A Filipino Poetry
"Kaibigan"
Tiwala ko sa iyo ay nararapat.
Ito ay ipagkakaloob ko sayo,
Sapagkat ikaw sa akin ay totoo.
Mahal kong kaibigan hanggang kailan,
Ikaw ay mamahalin ng walang hanggan.
Dahil munting alay ko na pagmamahal,
Sayo lamang iyon ilalaan.
Kaibigan wag mo sanang sasaktan,
Ang pusong para sayo’y lumalaban.
Dahil ikaw ay gusto kong makasama,
Kahit wala pang katapusan ang umaga.
Ikaw ay wala talagang katulad,
Sapagkat ikaw sa aki’y naglalahad.
Ating pagkakaibigan ay walang katapusan,
Ito ay walang hangganan.
Ating pinagsamahan na kay saya,
Aking babaunin saan man ako mapunta.
Kaya’t kaibigan kong mahal,
Hindi mo sana ako iiwanan.
Kaibigan na sa akin ay tapat,
Iyong tandaan ako sayo’y tapat.
Ating pangarap ay sabay na makakamit,
Pagkat ikaw at ako ay sabay na susungkit.
Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)
Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.
hey you must try this they are offering free 30 days upvote service for limited time. i am using it for 2 weeks, They upvote my every new post Click here to see the offer
I don't understood your language but Rhyme matching was very good.
Galing nyo sir..kaya idol kita.😊
nice poetry post. i love poem. thanks for @jassennessaj
Nice..poetry team..thanks to @jassennessaj