"Motorsiklo" : An Original Filipino Poetry

in #poetry6 years ago

Magandang gabi Steemians! Nais ko lang gumawa ng aking sariling katha. Kung nais ninyong sumali sa paligsahan, narito ang mga opisyal na links :

Word Poetry Challenge #17 : "Guro" | Tagalog Edition

Word Poetry Challenge #15 : "Dreams" | English Edition


"Motorsiklo"


Kasangga ko sa buhay
Karamay sa lahat ng mga lakbay
Sa pagbiyahe ikaw ang laging nakaalalay
Hindi nala-late dahil sayo'y nakasalalay


Kasama ka lagi umulan man o umaraw
Walang mintis sa pagsama kahit sa pagdalaw
Pagbisita sa dyosa ng aking pananaw
Angkas pa sila kaya puno ng hataw


Hindi ko lubos maisip kung wala ka sakin
Hindi ko kaya na ang oras ay pagkasyahin
Hindi umuusad ang trapik sa kalsada
Kung magje0jeep ang oras hindi kasya


Tatlong taon ka ng kasama sa paglalakbay
Andyan ka palaging nakaantabay
"Motorsiklo" ang kasama sa lahat ng lakad
Aabutin kahit saan bundok man ay matangkad


Nawa'y sana ito'y inyong nagustuhan :)

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 63855.79
ETH 3113.00
USDT 1.00
SBD 4.04