"Salamat Panginoon" : An Original Filipino Poetry

in #poetry5 years ago

"Salamat Panginoon"#

"Salamat Panginoon"


Maraming salamat oh aking Panginoon
Sa mga biyayang sa akin mo tinuon.
Mga grasyang hindi ako ang karapat-dapat
Ngunit binigay mo ito ng buo at tapat.

Ako'y lubos na nagpapasalamat sa iyo
Dahil sa lahat ng mga biyayang natamo.
Marami man akong naging pagsubok
Nahihirapan ngunit pag-asa parin ang tibok.


Ngayong mga biyaya ay aming natatamasa
Binigyan mo ng buhay at panibagong pag-asa.
Na umahon kami sa aming pagkalugmok
Subok na ng panahon, marami ng dagok.


Kami ngayon ay napakalabis ang saya
Dahil sa biyayang aming tinatamasa.
Ngayon ay kami man ang iyong piangpala
Handa kaming tumulong sa aming kapwa.


Kaya ngayon Linggo mayroon kamng misyon
Mga pamilyang dukha, mahirap ang sitwasyon.
Babaguhin namin ang buhay ngayong pasko
Bibigyan ng pagpapala, pauulanan ng regalo.


Pang Bigas, Spaghetti, Salad, at pang araw-araw na pagkain
Pati tulong pinansiyal mga pamilya'y bibigyan namin.
Gusto namin ibalik ang biyayang natanggap galing sa'yo
Lalo na't pasko, ang araw ng pagbibigayan at kaarawan mo :).


Thank god.jpg


Maraming salamat sa pagbasa! (Thank you for Reading!)

Nawa'y nagbigay-aliw ang tulang ito sa inyong mga magiliw kong magbabasa. Kung may mga komento o suhestiyon kayo sa naturang tula, huwag mag-atubiling ilahad ang inyong mga opinyon. Ako'y lubos na magpapasalamat kung ako'y iyong tutulungan sa paghubog ng aking kakahan.

Muli, maramng salamat po!


Photocredit 1 Photocredit 2

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 61243.73
ETH 2974.21
USDT 1.00
SBD 3.69