"Sandalan" : A Filipino Poetry
"Sandalan"
Kay hirap pag nasa sitwasyon ng kawalan
Kay hirap tumayo at iraos ang kagipitan
Lalo na kung wala kang masasandalan
Ang mundo'y parang paikot-ikot na gulong
Hindi mo matantsa kung saan susulong
Minsan nasa ibabaw at minsan sa ibaba
Minsan kasiyahan at minsan ika'y napapatulala
Ngunit laging tandaan na ang bawat pagsubok
Paghihirap at pagdurusa'y mayroong tuktok
At kapag marating mo iyon, mag-iiba ang mundo
Kaya higpitan ang sinturon at maging pursigido
Gawin mong "Sandalan" ang Panginoong Diyos
Maniwala kang buhay mo'y kanyang iaayos
At humugot ng lakas sa iyong mga minamahal
Dahil sa huli, sila'y iyong "Sandalan" na nagtatagal
Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)
Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.
Saludo ako sa tulang ito! Tunay ngang mahirap ang buhay ngunit pag ginawa mong sandalan ang Diyos titak mayroon kang pinakamatibay na pundasyon.
Posted using Partiko Android