"Sandalan" : An Original Filipino Poetry

in #poetry5 years ago

jas.jpg

Ang buhay ko'y masaya
Tuwing kasama ko sila
Kaibigan, Pamilya
Lalo na ang barkada

Sila ang tanging masasandalan
Sa tuwing may problemang dadaan
Sila'y kasing liwanag ng kalangitan
sa buhay ko na puno ng kadiliman

Nag aaway man minsan
ng walang dahilan
ano man ang dahilan
nagkakasundo naman

iniintindi ko pa rin sila
kahit may iba nang inuuna
sapagkat ang pagkakaibigan
habangbuhay ay kailang man

Patungkol ng Tula

1-1.jpg

Ang tula ay inaalay ko sa mga taong naging parte ng buhay ko. Pamilya, mga kaibigan, kaklase, lalo na ang mga malapit sa puso kong barkada. Isa sila sa parte ng mga magagandang ala-ala sa aking buhay. Ako'y lubos na nagpapasalamat sa mga biyayang natanggap ko, lalo na ang mga ala-alang binigay nila.

Nawa'y iyong nagustuhan

Salamat, kabayan sa pagbasa at paglaan ng iyong kaunting oras para mabasa ang sulat na ito. Nakakataba ng puso! :)

Hanggang sa muli,


Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64243.42
ETH 3152.93
USDT 1.00
SBD 4.28