"Telepono" : An Original Filipino Poetry

in #poetry6 years ago

Magandang umaga Steemians! Nais ko lang gumawa ng aking sariling katha. Kathang layuning mapaglinang at nais maging dalubhasa sa larangan ng tula.


"Telepono"


Photocredit : Pixabay


Tanda ko pa ang iyong boses
Kasing tinig ng himig ni Rosanna Roses
Napakabagsik ngunit hindi nakakatakot
Pag kausap ka, napapawi ang lungkot


Naging kaugalian na natin ang pag-uusap gabi-gabi
Pag-uusap na para tayong magkatabi
Sa "Telepono" na walang humpay ang tuwa
Di alintana ang oras kahit na abutin ng umaga


Walang tigil ang ating pagtawa
Tuwing nag-uusap tayong dalawa
Kay sarap sa pakiramdam
Na wala kang pagdadamdam


Puno ng gaan ang ating pakiramdam
Alam ng isa't-isa na tayo ay may pagdaramdam
tuluyan na ngang nahulog sa iyo
At kung ika'y nahulog din ako ang sasalo sa iyo


Nawa'y sana ito'y inyong nagustuhan :)

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64271.38
ETH 3157.43
USDT 1.00
SBD 4.25