"Toga" : A Filipino Poetry
"Toga"
Limang taon din ang paghihirap
Upang maabot ang minimithing pangarap
Pangarap noong ako'y grade 4 pa
Kabataan palang nahumaling na sayo
Kay sigla kapag ang usapan ay numero
Nakangiti habang nagtuturo ang guro
Ibang iba ang aking pagka-aktibo
Unti-unting nang ito ay nagkakatotoo
Dati akala ko na ito'y pangakong napako
Sa isang bugwit na katulad ko
Akala ko talaga ay hanggang tanaw lang ito
Ngayon, palapit na ang aming pagpaso
Isang enggrandeng presentasyon ng mga pursigido
Suot ang pinakamimithing damit ng madla
Makalakad sa entablado na ang suot ay "Toga"
I upvoted your post.
Mabuhay, keep steeming.
@Filipino
Posted using https://Steeming.com condenser site.