"Tulay" : An Original Filipino Poetry

in #poetry5 years ago

Magandang umaga Steemians! Nais ko lang gumawa ng aking sariling katha. Kathang layuning mapaglinang at nais maging dalubhasa sa larangan ng tula.

tulay.png
Photocredit : Pixabay.com



*Daanan natin ang *"Tulay" papuntang kabila,
Tulay na nagdudugtong sa mga kabilang isla.
Pwedeng maglakad, pwede ring magsasakyan,"
Mas mainam na maglakad para ehersisyo sa katawan.

Mausisang pagpaplano ang pagkagawa,
Mga Hapon ang kinuha para sigurado ang kalidad ng gawa.
Bantog kasi sila sa disiplina at pagkamasipag,
Kaya sila ang intasan upang ito'y maging matatag


Ang tinutukoy kong "Tulay" ay sa Lapu-Lapu,
Mayroong dalawa at may paparating na pangatlo.
Nagdudugtong sa mga abot na pulo ng Cebu,
At para maibsan ang trapik na naranas namin dito.


Sa buhay, may mga bagay na nagsisilbing "Tulay",
Tungo sa pamumuhay na napakatiwasay.
Nagsisilbing daan sa paghagilap ng oportunidad,
Dahilan upang magkaroon ng buhay na dekalidad.


Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)

Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.

Sasusunod Uli. Maraming Salamat!

@jassennessaj

Sort:  

Thank you for using @entrust!

You got a 44.00% upvote from @entrust courtesy of @jassennessaj!

Entrust is a bot focused on rewarding delegators and helping users promote their posts. We give 100% of the total rewards to the delegators with payouts will be given daily. If you would like to consider delegating to @entrust, we've made a quick delegation link for you :

1000 SP | 500 SP | 300 SP | 200 SP | 100 SP or visit our own tracker website for more information :

http://entrust.netlify.com/

Coin Marketplace

STEEM 0.35
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70733.96
ETH 3563.16
USDT 1.00
SBD 4.76