"Wikang Mapag-bago" : An Original Filipino Poetry

in #poetry5 years ago

"WIkang Mapagbago"

Ang wikang Filipino ay dinamiko
Ito ay may kakayahang mapagbago
Tumatanggap ng mga bagong salita
Hatid nito ay kabutihan sa bansa.


Pinagkakaisa mga Pilipino
Iba’t-ibang lahi, at saan mang dako.
Anumang hindi pagkakaintindihan
Pinag-uusapan tungong kaisahan


Ang Pilipinas, umuunlad na bansa
Ngunit hindi naging maunlad na bansa
"Wikang mapagbago", isang instrumento
Upang kaunlaran ay ating matamo.


Sa bawat pagbabago n gating wika
Buksan ang isipan at maging bihasa.
Ating yakapin ang pagbabago
Tungong kaisahan,kaunlaran at karunungan.


Lahat ng mithiin ay makakamit
Pagka't wika ating ginamit.
Kung kaya't tayo ay uunlad,
Sa wikang pampaunlad.


Sa bawat pagbabago ng ating Wika
Karunungan ang hatid sa bansa.
Ating paunlarin ang Wikang kinagisnan
Sapagka't ito ang tulay sa kaunlaran.


Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)

Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.

Narito rin ang aking Tulang Pilipino (Na may Hugot) :

My Filipino Poetries :
Takot Akong Mawala KaUnti-unting NahuhulogMga Nakaw na Sandali
Hinahanap-Hanap KitaPinaasa Mo Lang PalaPagtatampo
Patawad ang HilingSalamat PanginoonPag-ibig na Walang Hanggan
NakakabaliwMahal Parin KitaNakakapagtaka
Tinamaan Nga AkoMinamahal KitaPuso'y Ikaw ang Pinili
Happy Birthday Mama KoIkaw na nga TalagaHahantong Sa Simbahan
Binibining KaygandaBat Biglang Napagod?Tadhana'y Pinagkait
O aking munting PrinsesaIneng, saan napunta ang iyong Dangal?Malaya
SandalanMahal Kita Kahit Magkaibigan lang TayoOh! Kaibigan ko
Oh Thesis KoUna't Huling Iibigin koNasaan ang Hustisya
Nanggigigil Ako SayoSa Iyong Paglisan

and Here are my English Poetries

My English Poetries :
Dear FriendIt Should have been MeMy Love
LifeSecret LoveWarriors Affection
Everything was PerfectAlways Be FriendsThis Can't Be True
YouEverytime I look at youWhen I look in your Eyes
Superman Gets TiredHow Real is the WorldLanguage
Lovers from Afar

Hanggang sa Muli


Photocredits : Pixabay

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 61914.69
ETH 3017.71
USDT 1.00
SBD 3.79