Tagalog Poetry " Pananampalataya "

in #poetry6 years ago

Pananampalataya

Paggising sa umaga diyos ang unang kausap,
pagkat siya ang nagbigay ng aking bagong kislap.
Sa bawat pagyapak diyos ang aking gabay,
kaligtasang naway sa akin ay ibigay.

Bagong pagsubok ang aking haharapin,
tiwala sa diyos sabay ng ang aking dalangin.
sapagkat wala ng hihigit pa sa ating pananampalataya,
dahil sa bawat sakit at hinagpis ikaw ay lalaya.

Ako ay isang taong marupok,
hindi sa kadahilanang ako ay lugmok.
Kundi likas sa tao ang may kahinaan,
lalo na kung pamilya ang pinauusapan.

Pero isa lang ang aking kinakapitan,
pananampalatayang sa diyos ko inilaan.
Mahina man akong ituring ng ninuman,
ngunit ako ay titibay pagkat diyos ang sandigan.

Alam ko ang kakayanan ko bilang isang tao,
pero pag wala ang diyos ko hindi ako buo.
Bilang anak ng diyos sa kanya ko na ipinauubaya
dahil wala ako ibang nais kundi ang maging masaya.

Sa aking pagtulog diyos parin ang huling kakausapin,
para pasalamatan ang diyos na mahal na mahal natin.
Wala ako ibang hiling kundi kaligtasan habang akoy himbing,
pananampalatayang gabay ko hanggang ako ay magising.

cath29.jpg

Just leave you comments, upvote , and resteem
Thank you for visiting!!


Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 63722.47
ETH 3049.10
USDT 1.00
SBD 4.03