Aking Sinta - A Filipino Poetry

in #poetry6 years ago

"Aking Sinta"

28190592_10204194038487953_189474835_n.png

Tila bituin ka sa gabing madilim
Sa iyong ningning ako’y nahuhumaling
Dulot mo’y liwanag sa kapaligirang makulimlim
Gaya ng pag-ibig kong sadyang malalim

Ang iyong ganda’y parang mga bulaklak
Sa hardin ng inay na namumukadkad
Ngiti at sulyap mo’y walang katumbas
Kaya pag-big ko sayo’y hindi kukupas


Ang tula kong ito’y sayo’y inaalay
Dahil sa pag-ibig mong tunay na makulay
Tinitiyak kong puso mo’y liligaya
Sa bawat salita na aking bibitawan


Paghanga ko sayo’y hindi ko mapigilan
Dahil taglay mo lahat kong kahinaan
Sa bawat segundo na aking orasan
Gusto kong ika’y aking masilayan


Pag-ibig ko sayo’y parang karagatan
Hindi kayang sukatin ng maging sino man
Dahil sa ikaw ang tunay na kahulugan
Ng aking buhay sa mundong ibabaw


Sumulat at kumatha
Joseph

Maraming Salamat sa Pagbasa

Nawa’y nagalak kayo sa aking mga katha
Tunay at sadlang mabulaklak.
Kung meron man kayong komento o reaksyon.
Lubos kong kagalakan na iyon ay malaman.

Image Source : http://www.pixabay.com

josephbuarao-footer.png

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by josephbuarao from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Kaibigan, sino wari ang taong itong tinutukoy ng iyong matatamis na salita?

Sya ang babaeng dating pinangarap ko, laman ng lahat ng pangarap ko. At ngayon sya na ang katuwang ko sa aming mga pangarap. Dati kong high school crush at ngayon wife ko na kabayan.

_MG_4379.jpg

Labis labis kong ikinagagalak na aking makilala ikaw at iyong mahal na magkabiyak.
Napaka ganda ng inyong larawan, pagpalain nawa ni Bathala ang inyong pagmamahalan. Sa gitna ng inyong mga puso'y siya inyong ilagay sapagkat kailangan nyo ang kanyang patnubay at gabay. Sa inyong paglalakbay bilang mag asawa maraming pagsusubok sa inyong pagsasama. Hindi lagi tamis at ngiti kailangan maging handa sa pait at pighati. Kaya nga't huwag na huwag kakalimutan na tumawag sa pangalan ng ating panginoon na tunay na makapagyarihan.
Sya lamang ang tunay na makapagmamahal at makapapagbibigay ng pag ibig na walang hanggan. Diba't pinagbayaran nya sa krus ng kalbaryo ang ating mga kasalanan.

Maraming salamat aking kabayan, hangad ko rin sayo na ikay paglapain.

ang lalim. nakakamiss ma-inlove! haha

Salamat @ajcordenete, sobrang sarap balikan ang kahapon. Yung tipong pagnakikita mo si crush hindi mo alam gagawin mo, nauutal at nagtatago pa nga haha. High school life. Ikaw, natagpuan mo na ba ang bituin ng buhay mo?

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64107.21
ETH 3073.84
USDT 1.00
SBD 3.88