Filipino Word Poetry : Unang Araw ng Pasukan
Unang Araw ng Pasukan"
Ikaw ay nasasabik
Sapagkat pasukan na nama'y babalik
At ika'y nasisiyahan
Sa mga bago mong matutunan
Mga bagong gamit tulad ng bag
Ay mag-ingat sa pagbili at baka papel mo'y malaglag
Dahil may punit pala sa ilaliman
Dahil sa pagbili di ka nagdahan-dahan
Bagong bag, sapatos at uniporme
Na sulit ang iyong pagkabili
Dahil masinsinan mong sinuri
Ang mga presyo sa kada tindahan na iyong pinili
Mga mabababang presyo
Pero mataas ang kalidad ng produkto
Ang dapat na bilhin mo
Para ika'y ligtas sa paggamit nito
Talagang iyo ng pinaghandaan
Ang pag-sapit ngayong pasukan
Dahil kompleto na ang iyong mga kailangan
At mga kagamitan sa paaralan
Maagang humihimbing
Para maaga ring makagising
Bali wala ang ginaw sa pagligo sa umaga
Basta si kalang mang-amoy baho pag sinimot ka ng iba
Ang estyudante talaga ay ganyan
Pag unang araw ng pasukan
Maagang papasok sa unahan
Pero mahuhuli na sa klase pag nantatagalan
Agahan ay nakahanda na
At nakalatad na sa misa
Magpasalamat ka
Na maagang gumising ang iyong ina
Ika'y kinakabahan
Habang patungo sa paaralan
Ika'y nag-iisa
At di naihatid ni ama dahil kumayod ng maaga
At sa iyong pagdating
Kay raming bago sa iyong paningin
Mga bagong tayo na building
Na nawiwili kang ito'y silipin
Mga bagong mukha
Na iyong mga nakikita
Sa pagpasok sa iyong silid at pag-upo sa silya
Ay mga kaklaseng di mo kilala
Pero pag matatagalan
Marami kana maging kaibigan
Magkakaroon ng mga kasiyahan
At sa kopyahan ay maggtutulungan
Isang guro ang pumasok sa inyong silid aralan
At kayo'y pinapunta sa harapan
Para magpakilala sa karamihan
Pagkatapos klase ay sinimulan
At sa pagtapos ng unang araw ng klase
At sa iyong pag-uwi
Baon mo'y mga kwentong iyong isasabi
Kay inay at itay sa iyong ganap ng unang araw ng klase
Nawa'y magustohan niyo ang aking orihinal na gawa na tula na tungkol sa kwento ng isang estyudante sa kanyang unang araw ng pasukan. Maraming salamat rin sa paglaan ng oras sa pagbasa ng aking tula at mabuhay ang tulang tagalog.
Sana'y inyong basahin at suportahan ang aking nakaraang tula na :
Thanks and Godbless
@jumargachomiano