''Salamat Aking Mahal''

in #poetry6 years ago

received_1021683564648583.jpeg

Mahal, salamat dahil dumating ka sa buhay ko
Salamat sa mga panahong hindi mo ako isinuko
Mahal, salamat dahil nakilala kita at naging parte ka ng buhay ko
Salamat dahil tinanggap mo ako ng buong buo

Salamat dahil andiyan ka sa tuwing kailangan kita
Salamat dahil ika'y naging inspirasyon para mas pagbutihin ko pa
Nawawala aking kaba sa tuwing kausap ka
Ikaw ang dahilan ng mga ngiti na sa labi ko'y nakamarka

Kay sarap balik-balikan kung paano tayo nagkakilala
Kay sayang isiping ika'y kasamang bumuo ng masasayang alaala
Kay sayang isiping magkakaanak pa tayo ng limang dosena
Bubuhayin natin ng tayo'y magkasama at sa abot ng ating makakaya

Ang sayang tingnan ng mga makukulit na bata
Ang saya sa pakiramdam na tayo'y magkakasama sa hirap man o ginhawa
Tayo'y haharap sa Altar ng magkasama
Mangangako sa Diyos na mamahalin ang isa't isa

Sa tamang panahon tayo'y haharap sa dambana
Pangako ko sayo aking mahal, aalagaan kita
Magkasamang hihiga sa labas at titingnan ang mga tala
Bawat pintig ng aking puso'y sinisigaw ay ikaw lang at wala ng iba pa

I would like to thank @iwrite for being my mentor and giving me support as a Proud member of Steemit Diversify

DQmNh2MG8GYNbb66Hkvnff4eVUtwou6L67T8yitdkpy5RF1.png

received_1767159486690768.jpeg

Sort:  

Ang lusog ng pagkakasulat mo dito sir! At di lang iyon busog na busog sa pagmamahal! Lol!

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64243.42
ETH 3152.93
USDT 1.00
SBD 4.28