"Malaya Ka Na" : A Filipino Poetry

in #poetry6 years ago

Malaya Ka Na

Nais kong itago pusong durog di maitatago
Sa dagat at lupa ba't tila walang pagtatango
Pati'y mga maamong bulaklak di sumasamo
Ako ngayo'y leon sa kabiguan umaamo

Ba't sadyang kay bangis nga ng tadhana
Sa pag-ibig sumasagwan sakay sa bangka
Pumapalaot sa nahihimbing na dagat umaamba
Bagkos paglalayag sa pag-ibig nalunod di makahinga

Bulaklak ako sa iyo lagi nagpapaakit
Ika'y paru-paro na sa akin bahid walang pait
Sa piling tayong dalawa sa mundong maliit
Harden ating kaharian sa kagandahan kaakit-akit

Sa paglipas,damdam kong wala na akong bango
Matinik na bulaklak doon ka na dumadapo
Wari'y iyong pakpak sa kanya na bumubuo
Sa sakit,unti-unti nalalanta na ang aking puso

Kahit mabigat ay pinipilit kinakaya
Masungit na karanasan sa pagpapatuloy isinusumpa
Inaapakan man nang panahon sa akin nagpapagana
Lumipad kaman sa iba ako'y magapapalaya

Malaya ka na padpadin ka man nang hanging nananakit
Saan kaman dalhin sana'y di mo ako iginigiit
Pag-ibig man ay mahapdi sa puso inuukit
Malaya ka na, paru-paro kong larawan ng sumapit

Maraming salamat mga katropang steemians nawa'y nagustuhan niyo

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 63202.55
ETH 3085.17
USDT 1.00
SBD 3.85