TULA (POETRY #18) PAGTANGKILIK NG MADLA (Hango sa totoong buhay(obserbasyon))

in #poetry6 years ago

"PAGTANGKILIK NG MADLA"
orihinal na likha
ni @tinkerrose

pinagmulan

Impluwensiya ng sosyal medya ay napakataas,
Ating pagtangkilik ay walang kakupas kupas,
Araw at gabi telebesiyon, radyo ay nakabukas.
Hindi papalampasin mga paboritong palabas.

(

pinagmulan12

Mga kabataan hindi pahuhuli sa “update status”.
Iba’t ibang estorya sa wattpad hindi matapos tapos,
Matagal matulog dahil sa youtube nakatoka,
Mga estoryang pang maala ala sa peysbok makikita.

Pagkatapos ng eskwela sa internet café ang punta,
Maglalaro ng dota, clash of clans, cross fire at iba pa,
Imbes na mag-aral, hala! sunog baga mga barkada,
Mga ibat ibang alak kay sarap kasing itungga.

pinagmulan1

Nakahiligan magKaraoke sa araw ng lingo,
Si kapit bahay nag aalok hala bira tayo’y mag bingo,
Kay sarap ng buhay ang daming pagpipiliang bisyo,
Ikaw? Ano tinatangkilik mo? Saan ka dito?

Maglinis ng bahay, maglaba habang ang lakas ng Spotify,
Mga kantang klasiko na abot hanggang sa kabilang bahay,
Napapaindak mga taong dumadaan sa tapat ng bakuran,
Na parang piyesta, tara na mga kabaryo magyugyugan.


pinagmulan 1

Ito ay hango sa mga iba’t ibang karanansan,
Huwag magmaang maangan huli ka kaibigan,
Hindi ito kuru kuro, ito’y iyong masasaksihan.
Ito ay talagang nangyayari sa kasalukuyan.

pinagmulan1

Sort:  

Ang akdang ito ay naitampok po sa arawang edisyon ng @tagalogtrail. At dahil sumigaw na po ang lahat ng "guilty", ay makigaya na din po ako 😅. Aamin po ako na laging naka Spotify, pero sakto lang volume. Yung sapat na para maka-emote lang.

Maraming salamat @tagalogtrail. Salamat Junjun

Guilty den pu aku sis @tinkerrose dahil isa den pu ako sa gumagawa ng mga bagay na iyan. Laluna pu videoke hanggang umaga. Ahihi! Mahilig lang pu aku kumanta.

Ok man lang pag may okasyon @lingling-ph mag videoke.

Guilty ako sa lahat. Haha!

Hahaha wag mabahala @manualbot wala akong pinapasaringan, ang importante wala tayong tinatapakan at naging responsable tayo sa sosyal media. Indikasyon ito na tayoy umunlad.


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64383.21
ETH 3098.60
USDT 1.00
SBD 3.89