Steemit Quick Start Guide by Sndbox - [FIL version by themanualbot]

in #steemit6 years ago

Mabilisang Gabay sa Pagsisimula sa Steemit

Maligayang pagdating! Sa wakas at nagawa mong makapunta dito. Nandito ka at handa upang sumisid sa unang social media website na pinapatakbo ng blockchain technology. Ang Steemit.com ay isang application na pinalakas at pinapatakbo ng isang cryptocurrency na tinatawag na Steem. Kung titignan ang lugar na ito ay maaaring magkatulad sa Medium.com o Reddit.com, maraming mga hindi kapani-paniwalang makinarya na nagbibigay kaibahan sa Steemit sa iba't ibang uri ng karanasan sa mga social media. Sa pamamagitan ng Steemit.com, ang mga tagalikha ng nilalaman at mga curator ay makakakuha ng cryptocurrency sa pamamagitan lamang ng pag-lathala ng nilalaman (mga post, video, musika) o sa pamamagitan ng pag-boto ng mga ibang nilalaman na nilathala ng iba. Ito ang unang social media application na pagsasamahin ang inyong pakikipag-ugnayan sa cryptocurrency. Ang pinakamaganda sa lahat, libre itong gamitin at ang ecosystem ng mga kagamitan at media ay lumalaki araw-araw.

Kaya sa makatuwid, dumeritso tayo sa mga punto. Narito ang isang gabay upang makapagsimula ka:

I-save ang iyong Password


Natatandaan mo ba yong mahabang password na nakuha mo pagkatapos mong mag-sign up?
Ito ang halimbawa sa password na iyong nakuha na may 52 na karakter ang haba:

P5KMpYPGmVMkWgaDBX337eo3nULEq3MwrEtURydXbdS213exrKb

Napaka-importante! Ang iyong Steemit password ay hindi gaya ng iyong mga password. Kapag naiwala mo ito, mawawala ito ng tuluyan.

Upvotes


Ang mga upvote ay paraan ng pagsasabi ng Steemit na gusto mo at sinusuportahan mo ang post ng isang tao o komento. Ang pag-upvote ay libre at hindi kumukuha ng anumang bagay galing sa iyong wallet. Sa pag-upvote, i-click ang icon ng Upvote sa ibaba ng komento o ng post.

Paano Gumagana ang pag-upvote - Isang gabay na nagpapaliwanag kung saan nagmumula ang pera at gantimpala.

Mga Komento


Kung tinutuklas mo ang Steemit sa unang pagkakataon, subukan mong makipag-ugnayan sa ibang tao. Magkaroon ng bagong talakayan, magbigay ng feedback o ideya. Tandaan, maaari kang makakuha ng Steem sa pamamagitan ng mga komento! Para sa paglikha ng isang komento - mag-click sa link na "Reply sa ibaba ng komento o ng isang lathala.

Huwag mahiya. Tandaan, na ang Steem ay isang bagong social network. Ang paggawa ng komunidad ay isang matiyagang gawain.

Gumawa ng isang Post


Para makalikha ng isang post, mag-click sa pindutang "Pencil" sa kanang sulok sa itaas. Ang lahat ng mga post ay may tatlong pangunahing bahagi: Pamagat, Nilalaman, Mga Tag.

Una at pangunahin, siguraduhin na ang iyong pamagat ay malinaw at umaagaw ng pansin sa ibang tao. Ang iyong pamagat at ang iyong unang larawan ng iyong post (tinutukoy bilang "thumbnail") ay isang billboard para sa iyong nilalaman. Kaya mag-eksperimento sa mga ito at tignan kung ano ang pinakamahusay na gumagana! Ang mga tag (hashtags) ay tutulong sa iba na tuklasin ang iyong nilalaman. Ang bawat post ay maaaring magdala ng limang tag lamang. Tiyaking ang bawat isa sa iyong mga tag ay may kaugnayan sa nilalaman na inilathala sa loob ng post. Maaari kang sumangguni sa trending na listahan ng mga tag sa homepage ng Steemit upang makita kung alin ang makakatulong sa iyong nilalaman na makakuha ng higit na pansin sa madla.

Mag-explore sa #introduceyourself na tag para makita at mabasa ang mga sinasabi ng mga bagong salang sa plataporma.

Followers and Feeds


Para makasunod sa isang may-akda, i-click ang pindutang "Follow" sa tabi ng kanilang username. Kapag sumunod ka sa isang tao, ang lahat ng kanilang mga post ay lalabas sa iyong "Feed". Magsisimula kang makakuha ng mga tagasunod kapag ang ibang Steemians ay napunta sa iyong mga post at naglagay ng kanilang mga komento. Maaari mong makita ang lahat ng iyong mga tagasunod at ang mga taong sinusubaybayan mo sa iyong profile.

Ibahagi ang isang post! Kung nais mong ibahagi ang nilalaman ng ibang tao, i-click ang icon na resteem.

Ang iyong Wallet


Ang tab ng iyong wallet ay ang iyong sariling Steemit bank account. Dito, maaari mong subaybayan kung gaano karaming STEEM at SBD na ang iyong nakuha, nailipat sa ibang steemian na gumagamit, mag-deposito o mag-withdraw. Ang lahat ng iyong wallet - mga numero, transaksyon, at iba pang aktibidadis - ay bukas para makita ng publiko.

STEEM, Steem Power at Steem Dollars ay ang tatlong paraan o digital currency na ginagamit ng Steem Blockchain.

Steemit Wallet - Ang mga in at out ng Steemit Wallet, at kung paano makipag-ugnay dito.
Ang Mga Benepisyo ng Powering Up - Isang komprehensibo at isinalarawang gabay sa pagbuo ng SP
Trading SBD to SP - Paano i-convert ang iyong SBD sa Steem Power sa lokal na merkado.

Curation (Ang Pag-upvote)


25 na porsyento ng mga gantimpala para sa bawat post ay talagang nakukuha sa lahat ng mga taong bumoto nito. Ang mga upvoters na ito ay tinatawag na curators. Kung may maraming Steem Power ka sa iyong account, mas malaki ang halaga ng iyong upvotes at mas marami ang gantimpala sa curation na maaari mong makuha!

Kumita sa pag-upvote - Gabay ng Gantimpala sa Curation - I-maximize ang mga premyo batay sa tiyempo ng pag-upvote.

Payouts


Ang lahat ng mga payout na galing sa Steem at SBD ay ginawa sa 7 na araw pagkatapos mailathala ang post o komento. Maaari mong i-claim kaagad ang iyong mga gantimpala sa iyong wallet paglipas ng pitong araw. Ang mga pagbabayad para sa mga post ay nahati sa pagitan ng may-akda (hindi bababa sa 75 na porsyento) at ang mga curator (hanggang sa 25 na porsyento).

Magkano ang halaga ng iyong post? - Paano gumagana ang lahat ng mga pagpipilian sa post / comment payout.

Ang iyong Marka ng Reputasyon


Ang marka ng reputasyon ay isang paraan ng Steemit na sumusukat sa halaga ng iyong likha na dinala mo sa komunidad. Kung mas mataas ang marka, mas maraming tinimbang na boto ang natamo ng isang account. Magsisimula ang lahat ng mga bagong user sa 25 na marka. Ang iyong reputasyon ay tataas habang kumikita ka ng mga upvote para sa iyong mga post at mga komento, ngunit maaari itong bumaba kung ang mga ito ay naka-flag o downvoted ng ibang mga tao.

Ano ang Kalidad ng Reputasyon? - Ano ang ibig sabihin ng iyong rating number at kung ano ang nakaka-impluwensya nito.
Bakit Mahalaga ang Pag-flag - Pag-tuklas sa pag-gamit ng mga flag sa loob ngSteem Blockchain.

Mga Pangunahing Kaalaman ng Blockchain at Crypto


Bilang isang mahilig sa cryptocurrency kung tunay ang iyong pakiramdam, narito ang isang mas malalim na pag-tingin sa mga pagsang-ayon at pag-kontra ng blockchain at kung paano nagtatrabaho ang mga witnesses upang panatilihin ang mga makinarya sa blockchain na gumagana sa isang desentralisadong paraan.

Ano ang Crypto at Blockchain? - Isang gabay na para sa mga bagong dating na teknolohiya.
Ano ang isang Steem Witness? - Ang mga tungkulin at pananagutan ng isang witness ay ipinaliwanag

Karagdagang Mga Link at Mga Mapagkukunan


FAQ - Isang buong archive ng mga karaniwang katanungan
Bluepaper - Paliwanag kung paano gumagana ang plataporma
Ang Steem Whitepaper - Mga teknikal na detalye ng Steem Blockchain
Mga Apps na Itinayo sa Steem - Direktoryo ng mga app, site at tool na binuo ng komunidad ng Steem.

Ang post na ito ay isang modelo ng opisyal na Steemit Quick Start Guide, dito.


All photos being used are from the main post created by @sndbox. Follow @sndbox! and follow me!



themanualbot-followme1.gif

Sort:  

Yan maliwanag pa sa buwan ang paliwanag kaya imposibleg maligaw pa tayoMaraming salamat

Salamat MB sa pagbabahagi ng iyong kaalaman sa wikang Filipino.

O Diba close lang wala nang sir sir MB nalang nyahahah lubos namin itong naibigan.

Nice @themanualbot! Thanks for the translation :)

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 63901.15
ETH 3133.40
USDT 1.00
SBD 4.05