Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon : Daang Tinatahak (Lunes)

in #steemitdora6 years ago

FB_IMG_1528605673563.jpg

Lahat tayo ay mga manlalakbay. Iba-iba man ang daang ating tinatahak araw-araw, iisa pa rin naman ang ating hangad at gustong makamtan sa buhay. Minsan lubak-lubak man ang ating dinaraanan at kay rami ng problemang hinaharap lahat ng ito ay ating nalalabanan at nalalampasan. Sa buhay, hindi lahat ng ating hihilingin at gugustuhin ay ibinibigay nang ganon kadali. Kailangan natin itong pagsumikapan at pagtrabahuan. Sabi nga sa kasabihan, "Kapag may tiyaga, may nilaga." Kaya kahit lubak-lubak, liko-liko, malapad o narrow man ang daan, makakaasa pa ring makakarating sa ating destinasyon. At kung natumba man at nagkasugat piliting bumangon at magpakatatag dahil ang mga rason kung bakit tayo nadapa at kung ba't tayo patuloy na bumabangon at tumatayo ang magsisilbing motibasyon para sa atin upang makamit ang inaasam-asam nating pangarap at tagumpay.

Ang higit na maganda sa lahat ay hindi tayo nag-iisa sapagkat may kasama tayo sa daang ating dinaraanan. Nandiyan ang ating mga pamilya na handang magbigay ng abiso sa atin at suporta. May mga kaibigan din tayong handang dumamay at makinig sa ating mga ka-dramahan, rants at mga ka-gagahan sa buhay, masaya man yan o hindi. At kahit na may bumitaw at umalis man at sa daan tayo ay iiwanan, kahit na nakakapanghinayang at nakakapanlumo man minsan, tatandaan nating pag may umaalis meron at meron pa ring darating. :)

Sa larawang nasa taas ay kasama ko ang aking dalawang kaibigan, si Via at Jezel. Dapat pito kami jan eh kaso ang tagal maglakad nung apat kaya nauna na kami hehe. Ganyan din ang buhay may nauuna't nahuhuli sa daan. Kung naunahan ka man ay ok lang. Pasasaan ba't maaabutan mo rin sila maaaring hindi pa ngayon ngunit alam ko pagdating ng panahon at sa perpektong pagkakataon ay magiging posible rin lahat ng ito.



U5dryacLKKpig2tysTaHYTxGFQtFrwZ_1680x8400.png

jennybeans.gif



Maraming Salamat sa Pagbisita

Sort:  

Wow sis! Grabeh! Ang saya-saya ko. Sa wakas sis magkasama na rin tayo sa paglalakbay. Yepi! 😀

Yippieee hehehe
Sana lang sis ay mapanindigan ko hahahaha :)

Hahaha. Keribels yan sis. Magbalik loob ka na rin. Hahaha

Sis ang dami mong bitbit. 😀😀😀

Ay sis compared dun sa dalawa kong kasama, naku wala akong ibang bitbit kundi cellphone ko lang hehehe... Nasa gitna ako sis at medyo humihirit pa ng chika hahahaha...

Wahahaha. Ikaw na ang #steemitdora na chikadora. Lols

That's one inspiration right there <3

This comment was made from https://ulogs.org

Hindi porket ikaw yung nauuna ay lagi ka nang nasa unahan. Minsan, may mga rason na kailangan nating huminto dahil may kailangan tayong lagpasan at sa kabila nang lahat ng yun at sumuko ka. Yung nasa huli possibleng mauna. Nakadepende pa rin sa tao kung pano nya pagdedesisyonan ang buhay nya. Ika nga di ba "ang buhay ay weather, weather lang".

ganda ng message naman ni sis ko.
miss u na, sensya na busy ang lola mo
salamat sa paglalakbay.
mabuhay ang #steemitdora

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64223.84
ETH 3158.34
USDT 1.00
SBD 4.29