Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon

in #steemitdora6 years ago

Narito ang aking post para sa araw ng LUNES.

Ang aking bag. Ito ang aking gamit para sa araw nito. Ito ay bag na pang opisina na kung saan lahat ng mga importanteng bagay na dinadala ko araw araw ay naroon.

35077454_1914682511888578_2324154112653918208_n.jpg

ito ang litrato ng loob ng aking bag!
35142943_1914682211888608_3840882956667191296_n.jpg

Narito ang mga bagay na laman ng aking bag.
34984256_2232308373451658_6487687390692376576_n.jpg

  1. ID - (ito ay company ID, hindi ako makakapasok sa opisina ng wala nito)
  2. Susi - (ito ay susi sa bahay at susi sa aming kwarto sa opisina)
  3. Rosary - (ito ay aking dala kahit saan ako magpunta, para ako ay gabayan at patnubayan ng ating Poong May Kapal.)
  4. Cellphone - (ito ay para sa komunikasyon sa pamilya, katrabaho, kliyente at kaibigan)
  5. Credit cards - ( para sa mga pagkakataong kailanganin ng mga pambayad sa kung saan saan)
  6. iD Card Holder( dito nakalagay ang mga IDs, Cards at iba pang mga gamit sa pakikipagkomunikasyon)
  7. Hello Kitty Earphones Holder and Earphones ( sa mga pagkakataong bored at naiinip, isang salpak lang sa aking tainga, at presto... naiibsan na ang aking pagkainip)
  8. Alcohol ( aking ginagamit sa tuwi tuwina, upang maging malinis sa lahat ng oras )
  9. Ballpen (palagiang sandata sa pakikipag transaksyon... pag pirma sa mga kontrata, cheke at kung minsan ay proteksyon na rin mula sa mga masasamang tao na nais gumawa ng masama)

Maraming Salamat po! Mabuhay tayong lahat!

Sort:  

Salamat saiyo ka #steemitdora @princessliz at iyo talagang ipinakita ang laman ng bag mo. 😀 bakit walang make-up? Hehehehe
Pareho ka rin ba sa akin na hindi mahilig sa make-up? Isa akong dora na walang hilig sa mga kolorete. 😀😀

Hehehe sorry @steemitdora masyado akong active 🤣 akala ko pati laman ng bag. Wala talagang make up, hindi ako mahilig. Wow same tayo :) mas simple mas maganda :) salamat din po

Hahaha. Ayos na ayos nga sis @princessliz eh. 😀 Maganda talaga ang simple lang. 😀

gaganda ng bag nyo sis:)
ako magulo bag hahaha
salamat sa pagsali sis

Thank you po Sis, salamat din po sa inyo :)

#steemitdora ka na bff@princessliz, go go go...galing kumpleto sa details ng bag 😊

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64275.02
ETH 3139.81
USDT 1.00
SBD 4.14