Paglalakbay Patungo sa Dako Pa Roon - Miyerkules / Sa aking paglipad

in #steemitdora6 years ago

Magandang buhay po sa lahat!

Ito po ang aking entry para sa araw ng Miyerkukes..

FF6B546C-183A-41D3-A207-8BDC623D86B0.jpeg

Sa araw na ito patungo ako sa akong kliyente upang aking ialok ang aming mga produkto. Ako ay 12 taon ng nag tatrabaho sa kumpanyamg Eastworld Sales Philippines. Kami ay suplayer ng mga produktong makikita sa loob ng kwarto ng mga hotel. Ang mga ito ay kagaya ng Sabon, shampoo, lotion , bath gel, conditioner, dental kit set, shaving kit set, slippers at marami pang iba.

Ang aking kliyente ay naka base sa Makati, Isa hanggang isat kalahating oras mula sa lugar ng aking trabaho. Masasabi kong walang madaling trabaho, pero kapag tayo ay nagsipag at pinag husayan ang trabaho lahat ito ay ating makakaya.

Marami akong natutunan sa aking trabaho, isa na rito ang pansariling pagaayos upang maging mukhang representable sa harap ng mga tao. Ang aking self confident ay mas lumago dahil sa pakikiusap sa ibat ibang uri ng tao.

Sa aking pagpunta sa Makati, bitbit ko ang aking bag na naglalaman ng mga importanteng bagay na ginagamit ko sa pang araw araw. Doon din ay aking inilagay ang sulat na nakatupi na naglalaman ng presyo ng aming produkto para sa aking kliyente.

Dahil sa aking trabaho, ako rin ay nakapaglalakbay sa ibat ibang bahagi ng Pilipinas. Napakasaya kapag ako ay napapadpad sa ibat ibang lugar. Mas marami akong nalalaman tungkol sa lugar at mas nakakakilala ng mga ibat ibang ugali ng tao.

Ito lamang po para sa araw na ito. Maraming salamat po sa pagsama sa aking paglalakbay!

1DABB560-328D-4442-BFDB-AD5A0279ACC8.gif

Sort:  

Done upvoting and resteeming as my simple support. Good job kabayan.

Sis @princessliz ikaw nga ay isang ka #steemitdora dahil sa uri ng trabaho meron ka. Paghusayan mo pa ng maigi sa trabaho upang ikaw ay makaclose ng deal sa iyong mga kliyente. 😀

Salamat Si @steemitdora. Tama ka ako nga sadyang manlalakbay! Hehe at lalo ko talagang pinaghuhusayan. Salamat sa suporta sis!!

Lahat ng manlalakbay ay aking susuportahan sa abot ng aking makakaya. Pagpalain nawa kayo ng Panginoon.

salamat sa pag share sis:)
God bless sis at sana makarami kayo ng mga kliyente.
Gora, push para sa ekonomiya!
mabuhayyyy tayong lahat! hehehe

Salamat po sa patuloy na pagsuporta ms @sunnylife , napaka bait nyo po :)

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64550.89
ETH 3156.32
USDT 1.00
SBD 4.30