Paglalakbay sa Dako Pa Roon - Martes

in #steemitdora6 years ago (edited)

Mabuhay sa inyo mga kapwa kong Pilipinong Steemians! Maligayang araw ng Kalayaan sa ating lahat!!! At Magandang Hapon sa inyong lahat mga ka Steemit saang panig ng mundo!

Para sa aking entry para sa Paglalakbay sa Dako pa roon sa araw ng Martes. Selfie sa aking sarili. Dahil sa araw na ito ay pyesta opisyal dahil sa araw ng kalayaan, ngayon ay maghapon lang akong nandito sa aming bahay.

Narito ang aking selfie para sa araw na ito :

C00192D4-6C50-4C8A-A07E-8C6D72977B57.jpeg

Kay sarap sa pakiramdam ang gumising at sundan ng paliligo. Sa aking pang araw araw na pamumuhay, normal na sa akin ang magising ng maaga. Ang aking pasok sa opisina ay simula 8:30 ng umaga araw araw. Ako ay nagigising sa oras na 7:00 ng umaga, kumakain at naliligo. Ngayong araw ang aking ginawa ay naligo muna bago mag simula ng ibang bagay.

C2BB4D0F-90EA-46A9-BF71-F76690D7F2D5.jpeg

389E43CD-46A3-4319-9203-CA1351657C61.jpeg

Dahil sa masungit na panahon na mayroon ngayon dito sa Pilipinas dahil sa habagat, ako’y nagaalala sa aking mga halaman na baka silay magsimatay. Kaya para sa panimula ng aking araw una kong tinignan ang aking halamanan. Inayos ko sila at nilagyan ng stick upang maging straight at paglago ng kanilang mga sanga.

A144FDC3-9E26-48EE-B923-B6BF46407665.jpeg

14E98BB2-6C93-4813-B300-83D4141C7A6E.jpeg

Dahil ako ay isa ng misis, ako ang nagpapasya ng paghahanda ng pagkain. Mahirap pala talaga ang mag isip kung anu ang uulamin sa araw araw. Ngayon ko naramdaman ang sakripisyo ng aking ina sa pagluluto. Sabi nya noon sa akin ang pag iisip ng araw araw na iluluto ang mahirap, kailangan balanse kailangan hindi paulit ulit. Ibig sabihin kung ngayon gulay, bukas isda , or pwedeng manok o baboy. At dapat lagingb may saging o prutas. Sa araw na ito ako ay nagluto ng adobong sitaw at nagprito ng isdang galunggong para sa tanghalian. Ang sarap ng luto ko !! :)

A4177245-9C10-4E8B-97A4-647F6853FC7B.jpeg

CC22434F-EDA3-48B8-8B8F-5816FADFE289.jpeg

Matapos kumain, ako naman ang naghugas ng pinagkainan naming mag asawa. Dahil 2 lang kami sa bahay, napaka konti lang ng aking huhugasan. At dahil don ako ay masaya :)

Sa mga susunod na aking gagawin ay ang mga normal kong ginagawa, una nagpapahinga, kailangan kong samantalahin ang araw na walang pasok. Kaya ako ay natulog. Mamayang gabi, kapag tapos kumain ako na ay mahihiga ulit at manunuod ng kdrama. Ito ay palagi kong ginagawa sa araw araw. Napakasarap malibang sa bisyo na yon. Ang mga koreano at parang mga pilipino, magiling sa paglikha ng drama.. nakakatuwa!

Ito lang po aking entry , naway napangiti ko kayo at salamat muli sa pagkakataong ito.

Magandang hapon sa lahat! Mabuhay po kayo!

F7CAF058-5B94-4966-9364-2EFD5D92E3F7.gif

Sort:  

Lagpas 1 week na pong naulan, haay, sana bumuti napo panahon.

Oo nga po at sana wag ng umulan ng sobrang lakas.

Congratulations @princessliz! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

You published 4 posts in one day
Award for the number of posts published

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

To support your work, I also upvoted your post!

Do not miss the last announcement from @steemitboard!

Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!

Sis sipag naman natin. 😀😀

Salaat po @shikika holiday kasi kya nagawa yun ga dapat gawin!

Isa po kayong butihing asawa @princessliz 😀

Salamat po @steemitdora , yan po kasi mga nakatoka sakin the rest kay husband na hehe

how to be you po? hehe :)

should i'll be the one to ask you that @jessicas?

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 63510.75
ETH 3065.54
USDT 1.00
SBD 3.82