Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon : Araw Ng Martes - Ang Kalayaang Inaasam ๐Ÿ˜€ ๐Ÿ’–

in #steemitdora โ€ข 6 years ago (edited)

image


Tayong mga Pilipino ay namumuhay ng malaya mula sa pananakop ng mga dayuhan sa mga nagdaang dekada.
Nakamtan natin ang kalayaang inaasam dahil sa atin kapwa Pilipino na nagpakabayani.
Inalay nila ang kanilang buhay upang tayo'y maging malaya at mamuhay ng mapayapa.



Napakalaki ng ating pasasalamat sa mga sinaunang Pilipino na nagbuwis ng kanilang buhay para sa kalayaan ng ating minamahal na Inang Bansa.
At para sa kalayaan ng lahat ng mga Pilipino na naging alipin ng mga dayuhan sa pagkahaba-habang panahon.
Dahil sa kanilang tapang na ipinamalas nakamit rin natin ang kalayaang inaasam-asam.
Sila ang ating tunay na mga bayani. Bayani na punung-puno ng pagmamahal sa kapwa Pilipino at para sa tinubuang bayan.



Marahil kayo ay hindi na nagtataka kung bakit tungkol sa kalayaan ang aking mga sinasabi.
Alam po naman natin lahat na ngayong araw ay atin ginugunita ang Araw Ng Kalayaan Ng Pilipinas.
Kaya eto ang naisipan kong ibahagi para sa araw ng Martes sa panibagong Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon.
Eto ang aking pagbibigay pugay sa ating Inang Bansang Malaya.
Eto ay aking ihahalintulad sa ating bawat paglalakbay sa buhay.



Ang pagiging malaya ay nag-uumpisa sa ating mga sarili.
Sa araw-araw ng ating pamumuhay dapat natin isaalang-alang ang tunay na pagiging malaya.
Hindi porke't malaya tayo sa pang-aalipin ng mga dayuhang bansa ay meron na tayong malayang buhay.
Karamihan sa atin ay nagpapasakop sa galit, poot, pighati, inggit at sa mga maling gawain.
At ang ginagawang dahilan ay ang mga paghihirap sa buhay.



Inaamin ko sa sarili ko na nararanasan ko rin ang mga paghihirap sa buhay.
Meron mga pagkakataon na sinasakop ako ng galit at inggit.
Pero hindi ako tuluyang nagpapasakop dito dahil nangingibabaw pa rin ang pagmamahal na meron ako.
Nangingibabaw pa rin ang kabutihan sa puso ko. ๐Ÿ˜€โค
Nangingibabaw pa rin ang paniniwala ko sa Poong Maykapal.



Tanging dasal ko na hindi ako tuluyang masakop ng mga nararamdaman ko.
Upang sa araw-araw sa aking buhay ay maging malaya ako sa mga di kaaya-ayang damdamin.
Nawa'y ako, ikaw at tayo ay maging isang malayang Pilipino sa isip, sa salita at sa gawa.


Mabuhay ang mga Pilipino!



Narito po ang aking pakikibahagi sa panibagong paglalakbay patungo sa dako pa roon ni @steemitdora:

Unang Araw - Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon - Araw Ng Linggo Ang Simula Sa Panibagong Paglalakbay ๐Ÿ˜€ ๐Ÿ’–

Pangalawang Araw - Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon - Lunes Ngayon Dahil Linggo Kahapon ๐Ÿ˜€ ๐Ÿ’–

Mabuhay ang mga #steemitdora at #steemitserye! ๐Ÿ˜€๐Ÿ’–

Calling all #steemitdora & #steemitserye you can request for your banner at Steemitserye and Steemitdora Full Force Discord. Hurry! Get yours now while it's free! Lols

Inaanyayahan ko po ang lahat na sumabay sa aming paglalakbay patungo sa dako pa roon. ๐Ÿ˜€ Bisitahin niyo po ang link na eto para sa buong detalye.

Maraming salamat po.

I am very grateful being Filipino ๐Ÿ˜€๐Ÿ’–

Be grateful in every little/simple things and you'll find happiness you ever wanted! ๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€

Everyday is worth to be grateful of!

How about you? What's your #gratefulvibes story for today? Join the #gratefulvibes community challenge of @paradise-found as it is extended forever. You can share yours and show to Steemit world how grateful you are. Feel free to comment and share. See you around! ๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€๐Ÿ’–๐Ÿ’–๐Ÿ’–

I am inviting everyone to join us at,
Gratefulvibes Community Discord Server
Steemgigs Discord Server
Steemitserye and Steemitdora Full Force

Let the #teardrops of gratefulvibes begins! ๐Ÿ˜€๐Ÿ’–

P.S. Please support my witness @surpassinggoogle who inspire me continue what I started. To vote visit,
https://steemit.com/~witnesses
Type "steemgigs" as a witness in the search box then vote as shown below:

image

Yours truly,

@shikika with much love ๐Ÿ’–๐Ÿ’–๐Ÿ’–๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€

Keep steeming! ๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€๐Ÿ˜€

image

image

U5duDsPLWVkRfhiP758pZa8Qhn95oFE.gif

Coin Marketplace

STEEM 0.35
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70625.87
ETH 3563.07
USDT 1.00
SBD 4.71